Chapter 5: Revenge (Part 2)

25 3 0
                                    

Araceli x Luis / Estefani x Xavier

Elaina's POV:

Nakatayo ako ngayon sa labas ng
cr at nakatingin pa rin siya sa akin. Problema nito?

"Hindi ako umiyak. Bumalik na nga tayo Erick, daldal mo talaga," Sabi ko sa kanya na ikinunot ng noo ng kapatid ko.
"Tungkol na naman ba to kay mama? Wag mo na yon alalahanin. Ang mga pulis na ang bahalang humanap sa pumatay sa kanya at–
"Hayaan? Ganoon na lang ba kadali sayo kalimutan ang lahat ng nangyari?" Hininaan ko ang boses ko kasi pag sumigaw ako ay baka iiyak naman ako.

"Hindi sa ganon, Elaina. Ayaw ko lang nakikita kang ganyan palagi. Nasasaktan din ako," he said in a low voice.
"Edi huwag mo kong tignan. Simple as that!" I said and walked back to our room kasi may idi-discuss pa si sir Ramos saamin, ang aming teacher sa training na to.

Papasok na sana ako sa room ng may biglang tumakbo palabas at yumakap saakin na dalawang babae.
Si Carmen at Nicalene lang pala.
"Gaga ka! Akala ko may nangyari na sayong masama!" Sabi ni Nicalene na nakayakap pa rin sa akin.
"We were so worried ate," Carmen said and I felt guilty for just disappearing like that.
"Sorry, nagpahangin lang..." I said at tumango naman sila.

Umupo ako sa tabi ni Dylan dahil doon naman talaga ang upuan ko.

"I don't believe that," he suddenly spoke.
"What?"
"I don't believe na nagpahangin ka lang kaya bigla kang mawala," he repeated.
"Eh ano ba dapat kong sabihin? Na na kidnap ako?" Pagpipilosopo ko.
"No, but I saw you," he said.
"You saw me and what?" I asked raising my brows at him.
"I saw you crying in here–
Hindi niya napatapos ang sasabihin dahil lumapit ako sa kanya para takpan ang bibig niya. Baka kasi may makarinig at sabihing sinungaling ako.

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya at natigilan din ako ng napagtanto kong sobrang lapit ko na pala sa kanya.
Tinanggal ko kaagad ang kamay ko at bumalik sa upuan ko. Nakakahiya naman! Para san yon?!
Umakto akong wala lang nangyari at nagbasa nalang ng lesson na namiss ko.

"Oh bakit namumula ang mukha at tenga mo kuya?" Nicalene asked at napalingon din ako sa direksiyon nila.
Nakita kong pulang pula na ang pisngi at tenga ni Dylan. Ano nangyari dito?
"Hindi naman ah! Layuan mo ko," biglang pagsigaw niya at narinig iyon ng lahat.
Tinakpan niya kaagad ang mukha niya gamit ang libro niya sa Science. Ang cute niya kapag nahihiya.

"Parang kamatis ka," pang aasar ni Aiden.
"Tumigil ka..." Dylan said still covering his face with the book.
"Parang kinikilig to," Francine said and he glared at her before glancing at me.
Luh! Ano na naman kasalanan ko?

Nagsitahimik din kami ng dumating na si sir.

Pagkatapos niyang mag discuss about some equipments we need ay nag decide silang kumain sa labas. Wait... Pwede ba yon?

"I have a connection so we can do what we want," our leader said.
Kaya pala... Nag isip kaming lahat kung saan kakain pero wala talaga kaming maisip.
"Sa Jollibee nalang kaya!" Excited na pagkasabi ni Carmen.
"Para ka namang bata," Erick said and Carmen hit his head.
"Ouch! That hurts..." He howled in pain. Yan kasi, pakialamero.

Pumunta kaming Jollibee at umorder ng food.
Habang kumakain ako ay nahuhuli kong tumitingin sa akin si Dylan. Parang sira to.
Iinom na sana ako sa straw ng iced tea ko ng bigla niyang inagaw saakin at uminom don. Hawak ko pa ang aking baso ko habang umiinom siya.
"What are you doing?" Gulat kong tanong sa kanya.
"Patikim lang. Mas masarap yata ang sayo," sabi niya.
"Eh pareho naman na iced tea ang iniinom nating lahat," Sabi ko at tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Iba kasi ang straw mo. Parang matamis ang lasa," he said and I can feel my face turned red. Ano ba ang pinagsasabi nito? Nagbabanat ba ang siraulo na to?

Sinclair Academy ( Academy Trilogy #1)Where stories live. Discover now