Chapter 7

15 1 0
                                    

Ignoring him

NAPATINGIN ulit ako kay dalton na tumatawa pa din, okay self kalma ka lang inhale, exhale.

So i made a decision, iiwasan ko din si stevan aba tsaka magiging bitter na muna ako sa love 'no.

“So what now alora? galit ka? nagtatampo ka?” nainis naman ako sa tanong niya, itulak kita dyan eh.

Sa halip na sagutin ko siya ay inirapan ko na lang siya at saka ako dumaan sa gilid niya, panget niyong ka-bonding ni dalton pwe!

–––
“Alora!” napatingin ako sa tumawag sa'kin and it was dalton, teka...kasama niya si stevan?! wth-_-

Inirapan ko silang dalawa at saka ako nag-umpisa na maglakad, it's 6 pm at uwian na din namin.

“Aloraaaa!!!” napatingin ulit ako sa tumawag sa'kin and it's Heather, agad naman akong napangiti at saka sinalubong si heather.

“Sabay na tayong umuwi” palihim kong tinignan sila dalton at stevan na nakatingin lang sa'min ni heather.

“Sure, tara na?” ngumiti ulit ako.

“Let's go” nag-umpisa na kaming maglakad ni heather at nakita ko naman sila dalton na sumunod sa'min, aba aba.

“Saan ka nga pala nakatira heather?” tanong ko sa kanya.

“Sa parkway village” nakangiti niyang sagot.

“We?! sa parkway village din ako nakatira eh” saad ko naman habang nakangiti.

Nang makalabas na kami sa gate ay bumulong ako kay heather, “Takbo tayo, ayoko kasing kasabay sila stevan at dalton” tumingin naman si heather sa dalawa.

“Yung kausap mo kanina?” tumango naman ako.

“Bakit naman? galit ka ba sa kanila?” tanong niya.

“B-basta, takbo na tayo?” siningkitan niya naman ako ng mata.

“Sige na nga” agad naman akong napangiti.

“1, 2, 3 go!” sa pagbilang ko ng tatlo ay mabilis kaming tumakbo ni heather, samantalang yung dalawa ay nagulat sa ginawa namin.

“Sa mall heather!” kaya pumunta kami sa mall ni heather at pagdating namin dun ay sabay kaming natawa.

“Bilis mo namang tumakbo ante, nakakapagod ka tuloy habulin” natatawang saad ni heather habang hinihingal.

–––
“Itong wattpad story na lang ni miss kefi ang bibilhin ko, total 250 pesos lang naman” sabi sa'kin ni heather habang hawak-hawak ang librong nailathala ni miss kefi na ‘Reincarnated’

Total nasa mall naman na kami ni heather kaya pumunta na kami sa national bookstore section, “Ang mura naman” lumapit ako kay heather.

“'Diba may mga ibang na-published pa si miss kefi? yung sean's obsession tsaka yung binabasa natin kanina sa library ng school, wait bibili din ako ng book 1, 3 tsaka book 4” agad ko namang hinanap ang bibilhin ko.

Halos puro nasa 400 to 500+ yung presyo yung mga libro ni miss kefi pero okay lang kasi may allowance pa naman ako.

Pumunta na kami sa cashier at doon binayaran ang mga bibilhin naming mga libro ni heather, “Thank you po” sabi ko doon sa babae.

Palabas na sana kami sa NBS section nang mamataan ko sila dalton at stevan na nakaabang na pala sa'min, “Patay” bulong ni heather sa'kin.

Seryoso ang itsura ng dalawa kaya agad naman akong kinabahan, “B-bakit kayo nandito?” kinakabahan kong tanong sa kanila.

“Kasi sinundan ka namin?” sagot naman ni dalton.

“Ang bibilis niyo ngang tumakbo kanina, buti na lang nahabol namin kayo” saad ni dalton, ayokong tumingin kay stevan baka mag-init pa yung mata ko.

“Ehem alora mauuna na ko ah, ingat ka sa kanila hehe” nanlaki naman ang mata ko nang sabihin ni heather yun, and again iniwan na naman ako ng babaeng yun.

Pag-alis ni heather ay katahimikan agad ang bumalot sa'ming tatlo nina stevan at dalton, “U-uuwi na ko” maglalakad na sana ako nang pigilan ako ni stevan kaya agad naman akong napalunok ng laway.

At nagulat ako nang may bigla itong iabot sa'kin.

To be continued.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Falling inlove again (College romance series #1)Where stories live. Discover now