Chapter 6

11 1 0
                                    

Saiorse heather

I want you to meet your new classmate, Mr. Stevan cruz” professor dany looked at me kaya agad naman akong napalunok sa laway ko.

“But it seems like siya ang boyfriend ni miss chinita” agad namang nag-hiyawan ang mga kaklase ko at ang iba pa'y inaasar-asar ako.

“Yiee si miss chinita may boyfriend na” agad naman akong nagtakip sa mukha ko, ramdam ko ding namula ang mga pisngi ko.

Ano baaaa~

Napatingin din ako kay stevan na ngayon ay nakatingin sa'kin habang nakangisi, “Nako class kinikilig ang dalaga natin” pang-aasar pa ni sir sa'kin.

“Sir naman!” nagtawanan ang mga kaklase ko ganun na din sila stevan at prof dany.

“Prof una po sa lahat, stevan is not my boyfriend he's just my bestfriend” and this time nakita ko si stevan na parang hindi nagustuhan ang mga sinabi ko.

“Thanks prof dany” seryosong saad ni stevan at saka umupo at hindi sa tabi ko.

Eh? anong nangyari sa kanya?

––
“Uyy stevan sabay tayong mag-recess?” tanong ko kay stevan pero sa halip na sagutin ako ay tumayo siya sa upuan at saka ako iniwan.

Confirmed, nagtatampo nga.

Agad ko naman siyang hinabol papalabas sa room, “Uy stevan! wait lang!”

Kukulitin ko nga 'to, ayaw mo kong pansinin ah.

“Stevan wait lang naman!” nang mahabol ko siya ay agad ko siyang nahawakan sa uniform, humarap naman ito sa'kin na seryoso pa din ang itsura.

“Galit ka ba stevan? bakit mo ko iniiwasan? may nagawa ba kong mali?” sunod-sunod ko na tanong dito kaya nakita ko naman siya na parang nainis sa tanong ko.

“Oo alora oo!!! kaya habang maaga pa iiwasan na kita, you're always saying na kaibigan mo lang ako!!!” agad naman akong nagulat sa sinabi niya, napaatras ako at naramdaman na parang may bumara sa lalamunan ko.

A-ano ba kasing pino-point niya?

“I-i'm sorry,” tinignan ko siya sa mata niya.

“K-kung iiwas ka sa'kin then go ahead...go and find your new friends, enjoy” nang tumalikod na ako ay siya namang pagpatak ng luha ko, siguro ay nagsisisi na siyang naging kaibigan pa niya ako.

Pumunta ako sa cafeteria at doon ay bumili ako ng kakainin ko sa library, bago ako pumasok sa library ay nag-punas muna ako ng luha.

Pagpasok ko sa library at agad akong naghanap ng libro, “Please love me again” basa ko sa librong nakuha ko.

Medyo makapal ang librong nakuha ko at kung pagbabasehan ay mukhang love story ang isang 'to, naghanap na ko ng mauupuan at nang makahanap ng upuan ay agad akong umupo dito.

Agad kong binuklat ang libro kahit na medyo masakit pa rin ang mga sinabi sa'kin ni stevan kanina, agad kong binasa ang description ng libro.

“Meet this guy named kael, he's hiding his feelings through his friend named amora, amora is a writer, college like him, but amora is a model. Minsan ng nagkagusto sa kanya si amora pero mas nahulog ito sa nagligtas kay amora na naging kaibigan din ni kael, muli kaya siyang mahalin ni amora o mas pipiliin ni amora ang kaibigan ni kael?” agad naman akong napahawak sa dibdib ko, ang sakit naman ng istoryang 'to parang related ako ah.

Pero ang sakit pa rin talaga ng sinabi sa'kin ni stevan kanina, hmp! hindi ko siya bati.

“Um hi? pwedeng umupo dito?” napatingin ako sa babaeng nagsalita, itinuro nito ang upuan na katapat ng kinauupuan ko.

Falling inlove again (College romance series #1)Where stories live. Discover now