Chapter 3

11 1 0
                                    

Azriel

INILAPAG ko na sa lamesa ang tatlong plato para sa'ming tatlo nila stevan at dalton at saka nilagay ko na din sa malaking plato ang kanin tsaka sa isang lalagyan naman ang niluto kong ulam na chicken adobo, sa kabilang mangkok naman ay chicken curry.

“Dapat pala nag-chef student ka na lang alora, tamo oh ang sasarap ng mga niluto mo” natawa naman ako sa sinabi ni stevan.

“Nako stevan wag mo kong bolahin” natatawa kong saad sabay tingin kay dalton na nakatingin din sa'kin.

“Um ikaw ba dalton anong course mo?” tanong ko dito.

“Hrm student ako” muntik ko ng mailuwa ang tubig na iniinom ko.

“We?” hindi makapaniwalang tanong ko dito.

“That's true” seryoso nitong saad at akmang kakain nang bigla akong magsalita.

“Hep hep!” pati si stevan ay napatingin sa'kin habang hawak-hawak ang isang hita ng manok.

“Hindi pa nga tayo nagdadasal tas kakain na agad kayo, aba aba” in-ambahan ko ng tinidor si stevan kaya agad naman niyang binalik ang hita ng manok sa lalagyan.

“Sorry na gutom lang” nagtaas pa 'to ng dalawang kamay na para bang inaaresto ko siya.

“Magdasal na muna tayo” siningkitan ko siya ng mata.

“Oo na oo na” nag-umpisa na kaming magdasal at nang matapos ay agad na sumandok ng ulam si stevan, takaw talaga.

Pero nang mapalingon ako kay dalton ay hindi pa din ito kumukuha ng ulam, nagkatinginan pa kami ni stevan.

“Pst dalton” napatingin siya sa'kin.

Sinandukan ko siya ng adobo tsaka chicken curry, nginitian ko muna siya bago ako kumain, “Kain na” sabi ko sa kanya kaya tumango naman siya.

Habang kumakain ay biglang may nag-ring sa phone ko kaya napatingin naman sa'kin yung dalawa, “Sino yan?” tanong sa'kin ni stevan.

“S-si azriel” agad akong kinabahan pero at the same time ay nasasaktan ako, azriel was my ex-crush.

Ang totoo niyan ginamit niya lang ako para mapalapit sa dati kong kaibigan na si daisy, well daisy is having a crush on him kaya parang ako yung naging tulay. Nagulat ako nang pabagsak na nilapag ni stevan ang kutsara niya sabay tingin sa'kin, “Damn alora, may connection ka pa rin ba sa g*gong lalake na yan?! akin na nga 'yang phone mo” bigla akong natakot dahil sa inasta ni stevan, bakit siya galit?

Agad niyang inagaw sa'kin ang phone ko at saka sinagot ang call ni azriel sa'kin, “Alora—” agad na napahinto sa pagsasalita si azriel nang makita niyang hindi ako ang sumagot sa call niya.

“S-stevan, i-ikaw pala” napansin ko din na parang biglang kinabahan si azriel nang makita si stevan.

“Pwede bang tigilan mo na si alora, azriel? hindi pa ba sapat sa'yo ang masaktan siya ng sobra ha? nang dahil sa'yo azriel muntikan ng magpakamatay si alora!” agad akong napalunok sa laway, stevan was right.

Nagbigay sa'kin si azriel noon ng motibo sa'kin and he said na gusto niya kong ligawan pero ang ending he confessed to daisy, syempre nung malaman ko yun ay umiyak ako at dapat na magbi-bigti pero biglang dumating sila mom at dad kasama si stevan.

Ang totoo niyan stevan was always there for me, always making me laugh when i am sad and he is always teasing me, hindi pa rin naman nagbago yung friendship namin kahit na nag-transfer siya sa NCBA (National college of Business and arts) which is dito din sa Quezon city pero kami ni dalton ay sa St. Paul university.

“I-i just want to tell her—” agad na pinatay ni stevan ang call sabay tingin sa'kin na seryoso ang itsura.

“O-okay fine i-i'll...” agad na nanikip ang dibdib ko at unti-unting nanginginig, my anxiety is attacking me right now.

“Alora?” boses iyon ni dalton.

“I-i'm sorry...” unti-unting tumulo ang luha ko habang nakatitig kay stevan.

Naramdaman kong may humawak sa likod ko, “A-alora what's happening? bakit ka nanginginig?” nag-aalala na tanong ni dalton sa'kin pero di ko siya pinansin.

Ang kaninang galit na mukha ni stevan ay napalitan ng pag-aalala, “H-hey alora...d-don't cry please” agad siyang lumapit sa'kin at saka agad akong niyakap.

“I'm sorry, okay? h-hindi naman ako galit sa'yo, galit ako sa taong sinaktan ka ng sobra” saad niya, i hugged him back.

“W-wag ka ng umiyak alora, n-naaawa ako sa'yo” mas lalo niya kong yinakap, and that hug makes me more comfortable with him.

Pagkatapos niya kong yakapin ay humarap siya sa'kin, tinitigan niya ko sa mata at saka pinunasan ang luha ko, “Ayokong nakikita kitang nasasaktan alora kasi...nasasaktan din ako” saad niya.

“Tahan na alora, sigurado akong kakarmahin din ang lalakeng 'yon” saad naman ni dalton at nang lingunin ko siya'y agad siyang ngumiti, his smile...no! no alora hindi ka pwedeng mahulog sa kung sino-sinong lalake ngayon! ingatan mo 'yang puso mo.

Lumingon ulit ako kay stevan na ngayon ay hawak na ang pagkain ko, “Anong—”

“Subuan na ba kita?” tila nang-aasar niyang saad kaya agad ko siyang hinampas sa balikat at kasabay nun ay ang pagtawa ko.

“Yan tumawa ka din” ani nito at saka ngumiti.

“Siguro ako talaga yung third wheel dito eh” sabat naman ni dalton kaya natawa naman kami ni stevan.

“Ewan ko sa inyo, kumain na nga ulit tayo” kahit papaano ay gumaan-gaan na din ang pakiramdam ko, thanks to stevan and dalton.

Because of them and because of dalton nakahanap na naman ako ng panibagong kaibigan, mga kaibigan na bubuo ng mga ala-ala, ala-alang hinding-hindi ko makakalimutan.

———
Author's note: Hi koffees! i hope y'all like this chapter, btw balak ko pala po itong i-self publish sana ay suportahan niyo ako^^ magandang gabi!

Kindly add or follow me in these accounts:

Fb: Amora litteratéur
Tiktok: miss_kefi
Twitter: amora_littera

Falling inlove again (College romance series #1)Where stories live. Discover now