Chapter 5

12 2 0
                                    

Daisy

MAUUNA na pala kami dre” sabat naman ni stevan sa usapan, agad ko namang napansin na nakatingin lang si miyuki kay stevan, hmm.

Tumingin naman sa'kin si dalton at nang makita ko siyang nakatingin sa'kin ay agad naman akong ngumiti, “Sige dre, ingats” saad naman niya at saka kami nginitian, agad naman akong kumaway dito at saka nanguna sa paglalakad.

“Grabe maka-ngiti ah” agad naman akong nagtaka sa sinabi ni stevan.

“Ha?”

“Sus alora, crush mo si dalton 'no?” agad naman akong natawa.

“Baliw, hindi 'no” hinampas ko siya sa balikat.

“Teka anong building ka ba?” pag-iiba ko ng usapan.

“Hindi mo pa ba alam? uy te mag-kaklase tayo” agad na nanlaki ang mga mata ko.

“We? seryoso ka ba d'yan?” nakita ko itong tumawa.

“Mukha ba 'kong nagbibiro miss chinita?” agad akong napalunok sa laway, tumigil ka nga alora hindi pwede yan.

“T-tara na nga!” agad ko siyang hinila pero napahinto ako sa paglalakad nang may biglang bumangga sa'kin.

“A-aray” daing ko at saka nilingon kung sino ang bumangga sa'kin at nang makita ko kung sino ito ay parang nagdilim ang paningin ko.

It was daisy—my old bestfriend who stole my ex crush.

“Oh sorry miss...basurera” tinignan niya ko mula ulo hanggang paa at saka niya ko tinaasan ng kilay.

“Omg ikaw pala yan daisy?” nginitian ko ito ng peke.

“Ako nga alora” parang proud pa nitong saad.

“I thought you're the school's janitress” pang iinsulto ko din dito at saka siya tinaasan ng kilay, nakita ko naman siyang nagulat at the same time nakita ko din siyang nainis sa sinabi ko.

“I'm not the janitress—” but stevan cut her words.

“Really daisy?” agad naman akong napalingon kay stevan na ngayon ay seryoso na ang itsura.

“Itsura mo pa nga lang...” tinignan pa ni stevan si daisy mula ulo hanggang paa.

“Hindi ka lang janitress, mukha ka pang katulong at isa pa mukha ka ding pulubi na nanghihingi ng atensyon sa basurang si azriel” agad akong nagulat sa mga sinabi ni stevan kay daisy, pati si daisy ay nagulat din.

“H-how dare you! isusumbong ko kayo kay azriel!” sabi pa nito.

“Go ahead miss janitress” saad naman ni stevan kaya nagmamadaling umalis si daisy at nakita pa namin siyang napatid, pft.

Sabay kaming natawa ni stevan, “Thank you ah” sabi ko kay stevan.

“As always milady” nakangisi nitong saad kaya agad ko naman siyang siniko.

“Kalandian mo!” he just laughed at me.

“Bakit? nilandi ba kita miss chinita?” nakangiti nitong tanong sa'kin.

“Argh ang panget mo!” tinakbuhan ko siya kaya hinabol naman niya ko.

Bakit ba may tama pa rin siya sa'kin? gusto ko pa rin ba siya? no never! umayos ka nga alora baka mamaya may nagugustuhan na pala 'yan o girlfriend 'no.

——
Author's note: Hmm nangangamoy taguan ng feelings alora ah, magawa kaya ni alora na kalimutan si azriel? o baka naman magustuhan niya ulit si stevan? hmm let's find out, anyways good evening koffies^^

Falling inlove again (College romance series #1)Where stories live. Discover now