Chapter 4

68 3 1
                                    

<Sorry guys kung ang tagal Kong walang UD but I'm back! Sobrang na busy lang at nag karoon ng fam.prob./personal prob.lovelife charis hahaha>

Rhian's POV

Jusmiyo! Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ako nakapag alarm,ayan at na pagalitan tuloy ako ng prof. Ko pero sana wag niya akong ibagsak dahil naka habol parin naman ako sa exam pag mag kataon na ibagsak niya ako malalagot ako kila dad mataas pa naman ang expectation nila saakin.

Time has passed...

Nag exam lang naman ako pero pakiramdam ko sobrang nakakapagod ang araw na to

Ngayon nga ay kararating ko lamang sa condo na kinuha saakin ni dad and yes kailan lang ako lumipat dito dahil may mga pinagawa si dad at ipinalipat ang mga gamit ko,at oo noong tinawagan ako ni batchi ay nakila dad pa ako noon tumutuloy,mabuti na lamang ay ibinigay saakin ni dad ang gusto ko at yun ay ang bumukod na sakanila nila mom.


Agad Kong ibinaba ang gamit ko at agad ng pumasok sa bathroom para maligo dahil Hindi ko iyon nagawa,gawa nga ng late na ako sa exam

Natapos nga ako sa pagliligo at ngayon nga ay nakaupo ako sa dulo ng kama at ibinagsak ang aking katawan sa higaan gawa na din siguro ng pakiramdam ko'y sobrang pagod ako,nasa ganoong posisyon ako ng biglang tumunog ang selpon ko at si batchi ang tumatawag.


sinagot ko ito at ipinaalala nga niya saakin na may usapan kami and to my surprise bigla ko nababa ang tawag at mabilis na napabalikwas saaking kinahihigaan.

"Shooks! Nawala sa isip ko na may usapan nga kami ng pinsan Kong si batchi! Naku naman rhi!" Saad ko sa sarili habang sapo sapo ko ang noo ko

Mabilis nga akong nag palit ng damit at inayos ang aking sarili at bumaba ng condo building at dumiretso saaking sasakyan upang tahakin ang ospital na nilalagakan ng pinsan raw ni batchi at dahil malelate na rin  daw ito sa kanyang unang trabaho kaya binilisan ko na ang pag mamaneho tungo rito.

Nakarating ako sa hospital at agad ng nag park para na din makapunta na sa kwarto ng pinsan ni batchi.

Nag lalakad ako sa hallway ng hospital para tahakin ang elevator ng may makabangga akong isang babae,Hindi siya ganun ka morena maganda at mestiza siya dagdagan niya pa ng height niyang matangkad na bumagay sakanya,maganda din naman ako,mestiza, matangkad pero diko maiwasan humanga sa ibang babae...

Nasa ganoon akong pag iisip ng biglang mag salita ang babaeng naka bangga ko.

"Rhian? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng babaeng naka bangga ko,kilala niya ako subalit Hindi ko naman siya kilala

“kilala niyo po ako?" Bulalas ko ngunit imbes na sagutin ay nag roll eye lamang ito.problema nito? Maganda nga mataray naman walang wala saakin mabuti nalang nasa akin na lahat kagandahan ng mukha at ng pag uugali

“nevermind" pag susungit nito at agad ng umalis

Sino ba yun? Saltik ata yun kala mo pasan ang buong mundo kung makapag sungit.

Nasa hallway na nga ako ng building ng hospital at agad ng kumatok sa pinto ng kwarto ni glai ng marinig ko ang boses ni batchi na pumasok na nga raw ako,nakita ko siyang may kausap na doctor kung kaya't naupo ako sa couch katabi ng higaan ni glai.Maya'y Maya nga narinig ko din siyang alis ng doctor.

"Salamat po doc.Rivera " saad ni batchi

"Mabuti at nandito ka rhi,kamusta naman exam mo?"

"Okay lang naman,na late nga ako pero mabuti at nakahabol pa ako wag lang sana ako pag initan ng prof ko dahil lang sa na late ako,malalagot ako kila dad kung Hindi ko maipapasa to"naka pout Kong sabi

" sus Hindi yan ang galing mo kaya tsyaka isang sem nalang naman tatapusin mo then
g-graduate kana pag tyagaan mo na kasi isa nalang naman."

"Oo na ho,nga pala may I know kung anong pinag usapan niyo ng doctor?"

"Auhuh yun din talaga sasabihin ko sayo,good news!malapit ng magising si glai dahil nakitaan na namin siya ng mga ilang dahilan kagaya ng pag galaw niya,sinabi ni doctora na malapit na nga daw,na nag aadjust  pa nga lamang daw si glai at ang katawan nito gawa na din siguro na mag aapat na buwan na siyang walang Malay" kuwento saakin ng pinsan ko

"Ahh ganun ba?"

"Yes rhi, pero kailangan if ever na magising siya kailangan matignan siya ulit ni doc."

"Ahhh, bakit daw?"

"Dahil baka daw nag karoon ng damage sa ibang parts ng katawan niya specially kailangan ulit masuri yun lalo ang ulo niya kahit na wala namang nakitang fracture."

"I see,kawawa naman si glai I hope magising na siya" naka pout Kong sabi

"Sana nga rhi,o siya mauna nako ikaw na muna bahala Kay glai,7pm out ko mga 7:30 pupunta ako dito"

"Osige cuz ingat ka" paalam ko sa pinsan Kong si batchi.

>kaabang abang,abang lang guys diko na kayo iiwan haha iloveyou all muahhh!!😘

I NEVER KNEW LOVE, TILL I FOUND YOU AGAIN..(RASTRO)乁༼☯‿☯✿༽ㄏWhere stories live. Discover now