Chapter 3

57 3 0
                                    

Rhian's pov.

“ohh basta yung pinag usapan natin ahh rhi?”paalala ng pinsan ko sa akin.

“Oo na,Oo na,nakailang paalala ka na simula kanina?!” irap ko sakanya,kanina pa kasi di matahimik kakapaalala e,dinaig pa yung load sa sobrang unlimited.😒

“eto namang pinsan ko ang suplada,naninigurado lang naman e”sagot nito saakin.

“ehh bakit ba kasi ako pa? Wala ba siyang ibang kamag anak o kaibigan dito? Kainis ha!” irita at may inis kong sagot dito.

“meron naman rhi,kaso may mga kanyang mga trabaho na,at yung iba nasa ibang bansa na,ikaw ang pinakiusapan ko kasi pinagkakatiwalaan kita,at isa pa gusto ko pag nagising siya may una manlang siyang makitang tao.” paliwanag nito saakin.

“siguraduhin mo lang batchi! Kasi pag eto nagising at sinupladahan ako makakatikim sakin to ng kaltok di kalimut! Tsk!” irap kong saad sa pinsan ko,mukha kasing suplada tong mukha ni glaiza e,pero baka di naman siguro 😅

“sus! May pagka mataray lang yan,pero pag nakilala mo yan baliw pa sa baliw sa mental yan hahahahaha.” loko din to ahh 😅

“ohh sige na batchi, pumasok kana sainyo”

“osige cuz salamat sa pag hatid,ingat ka sa pag uwi." pasalamat saakin ng pinsan ko kung kaya't nginitian ko nalang siya at agad ng nag maneho pauwi.

Time runs

“Ang sarap naman matulog sa maginaw na panahon haysss"yung tipong grabe naman ang tirik ng araw pero daig pa na nasa Antarctic ocean ang ginaw ng panahon.

nag stretching ako ng aking katawan at natanawan ko sa aking bintana ang silay ng araw kung kaya't napabalikwas ako ng higa at agad ng tumayo

Agad kong kinuha ang aking selpon at agad ng tinignan ang oras.

“What the fucking hell!late nako sa exam ko!" Napasigaw ako at agad ng inayos ang aking sarili at aking mga kagamitan at agad ng tumakbo palabas ng bahay

Agad akong sumakay ng sasakyan at mabilis naman akong pinagbuksan ng gate ni kuya jun mabilis kong pinaandar ang sasakyan papunta sa aking pinapasukan

mabilis kong tinahak ang aming silid aralan at doo'y nga nakita ko ang mataas na kilay ng aming prof

“g-good morning ma'am" nauutal kong saad sa aking guro.

Bakit naman kasi nakalimutan kong mag alarm 🤧

“you're late ms.howell!Now you can go your chair!" Saad ng aking guro ngunit may diin ito

“sorry I'm late ma'am" bulong ko bago umupo saaking upuan.

I NEVER KNEW LOVE, TILL I FOUND YOU AGAIN..(RASTRO)乁༼☯‿☯✿༽ㄏWhere stories live. Discover now