Chapter 2

252 8 0
                                    

Rhian's pov.

“may gusto akong pabantayan sayo,palitan ba tayo kumbaga pagka day off ko,naka tanggap na kasi ako ng trabaho rhi at baka anytime soon baka magising na din siya.” anytime soon magigising? Sino? Kilala ko ba ito? At bakit ako?

“sino?” seryoso kong tanong sa pinsan ko dahil hindi ko maisip kung sinong tao ang tinutukoy nito.

“tara,ipapakilala ko siya sayo at sana pumayag ka rhi.”saad ng pinsan kong si batchi saakin, naglalakad kami patungong elevator paakyat sa 5th floor hindi na ako nag tanong dahil ipapakilala niya naman daw ito saakin,,kaya sumama nalang ako.

Nasa 5th floor na kami naglalakad sa hallway ng makaramdam ako ng kirot sa dibdib ko, hindi ko mawari kung bakit ganito, nasasaktan ako? Bakit? Malapit na kami sa room 322 na tinutukoy ni batchi,ang bigat sa pakiramdam, pakiramdam ko kilala ko ang taong nasa loob nito,pero imposible.

Natigilan lang ako saaking pag iisip ng lingunin ako ng pinsan ko.“bakit?” tanong ko dito.

“O-okey kalang ba rhi?” nauutal nitong tanong saakin.

“oo naman,bakit?” sagot ko.

“umiiyak ka rhi? May luha ka” sagot nito,kinapa ko ang mga mata ko at tama siya umiiyak ako? Bakit? At bakit diko naramdaman? Baka dahil sa lumipad ang isip ko hayss🤦

“ha? Umiiyak ka jan,napuwing lang ako kaya kinusot ko.ano naman iiyakan ko?” pagsisinungaling ko dito.

“w-wala pasok na tayo?” nauutal nanaman nitong sagot,problema kaya nito? Bat may pag utal pang nalalaman.

“problema mo? Bat kanina kapa nauutal pag sumasagot ahh?”nakakunot na tanong ko dito.

“wala naman,ang dami mong sinasabi tara na ng makita mo kung sino tinutukoy ko.” masungit na saad nito.

Hawak na ng pinsan ko ang siradura ng pinto,at para namang nag slowmo ito saakin,nakaramdam ako ng parang gusto ko nalang tumakbo at ayokong makita ang taong nasa loob nito dahil na din sa bigat ng nararamdaman ko,hindi ko mapigilan kanina pa nangingilid ang mga luha ko.ano bang meron sa taong ito at ganito ang pakiramdam na ipunupukal niya saakin?🥺

“rhi? Tara na?” pukaw saakin ng pinsan ko tumango ako at hinawakan niya ang kamay ko at nag lakad na kami palapit rito.

Pag pasok namin nakita ko ang isang babaeng na ka himlay at tila parang mahimbing lang itong natutulog, nilapitan namin ito at tila parang may lukso sa aking puso na nag sasabing yakapin ko ito,niyakap ko siya at nakaramdam ako ng pagka miss sa taong nakahiga at natutulog lang.

“s-sorry,sino siya batchi? At bakit ganito ang pakiramdam niya saakin? Kilala ko ba siya?” nauutal kong tanong saaking pinsan.

“h-hindi rhi,m-malayong pinsan ko siya sa side ng father ko,siya si g-glaiza rhi kagaya ko din siya,lesbian din siya” nauutal na sagot saakin ng pinsan ko.

“kaya naman humihiling akong makipag palitan sayo sa pag bantay sakanya,dahil umalis sila tito ng bansa at iniwan dito si glaiza dahil hassle daw pag inilipad nila si glaiza,saakin nila inihabilin si glai dahil mas close ito saakin,kaya sana naman pumayag ka rhi.” paliwanag nito saakin.

“s-sige kelan ako mag start bantayan siya?” nauutal kong tanong sa pinsan ko,omoo ako? May kakaiba talaga kay glaiza malalaman ko din yun soon,sana magising ka na glai,,,,sa pag kaka-coma mo.

“by tomorrow, after ng class mo, sa umaga ako ang magbabantay sa hapon ikaw na” saad niya after class kasi nag t-take ako ng review exam para makahanap na din ako ng work.

“batch? Hindi ba tayo sabay na nag college?” seryoso kong tanong rito.

“hindi,b-bakit?” kabado niyang sagot saakin.

“kasi hanggang ngayon nag ttake parin ako ng exam e.”

“e kasi nga na aksedente ka,2weeks kang na coma college kayo nun e” sagot saakin ni batch kami non? Nino?

“sinong nun? Auh oo nga pala? At hanggang ngayon hindi ko parin alam yung dahilan kung bakit ako naaksedente kasi nililihim niyo,nila mommy do you know what batchi i feel hopeless about that,kasi pwede niyo namang sabihin sakin, tatanggapin ko naman yun e ng hindi niyo na kailangan pang ilihim sakin,dahil one of this days i know that my memories will come back again,gagawa lang kayo ng bagay na ikakagalit ko sainyo pag dumating yung araw na yun!” umiiyak kong saad sa pinsan ko,alam ko na wala siyang kasalanan at pinakiusapan lang din naman siya ng mga magulang ko,lumapit siya saakin at hinagkan ako.

“you know what cuz? Ayoko din naman itago sayo yun e,but as your cousin, as your family.at gaya nila tita ayoko din na masaktan ka dahil lang sa nakaraan mo,wag muna ngayon rhi gaya nga ng sinabi mo babalik din ang alaala mo,hayaan mong ikaw ang makatuklas nun rhi,ayaw kalang namin biglain.” saad ng pinsan ko saakin tama nga siguro siya hahayaan ko nalang na kusa kong matuklasan at maalala ang nakaraan.

-Continue🐼

I NEVER KNEW LOVE, TILL I FOUND YOU AGAIN..(RASTRO)乁༼☯‿☯✿༽ㄏWhere stories live. Discover now