Chapter 14

3.1K 165 10
                                    

"What's wrong with that? Hindi naman na iba si Ms. Davids sa iyo?" naghahamon ang tinig ni Mr. Lawton Imperial.

Napayuko na lamang ako dahil sa pagpunta sa aking ng usapan. Ito talaga pinakaayaw ko, mas ayos na sa akin ang huwag kausapin basta ay huwag lang hahantong sa ganito.

"Why can't you just give me the company, if that's what you want?" sagot naman ni Zeno, deretso pa rin ang tingin sa pagkain kahit nagsasalita.

Napasilip ako ng bahagya sa kanila. His father smirked at him, "When you're settled so you wouldn't think of playing around," makahulugang sabi nito.

Napatingin ako kay Zeno na ngayon ay nakakunot na ang noo animo'y hindi nagustuhan ang sinabi ng ama.

Her mother cleared her throat, lahat kami ay napunta ang atensyon sa kanya. Bumaling siya sa gawi ko pero agad ding iniiwas ang tingin, "Uh..Son, as long as you settled.. even if you're with a man..."

I bit my lip to ease the pain I am suddenly feeling. Saglit ko pang naaninag ang mukha ng ama niya na napailing lamang pero hindi naman ito tumutol, not that I'm waiting for it... but I can't help but to be hurt.

Gusto ko nang umalis...

Ang kaninang nararamdaman ko ay napalitan ng pait, para akong tinutusok ngayon at hindi ko gusto ang ganitong pakiramdam. Gusto kong maiyak pero hindi pupwede...

"Fine," sagot ni Zeno. "We're going then," mariing sabi nito at saka tumayo.

He asked me to go as well kaya napatayo na lamang ako at ngumiti sa kanila. I saw how Lea and his parents give me a worried smile but I didn't bother to talk. Sumunod na ako kay Zeno palabas ng mansion.

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan ng magsimula kaming umalis. He is just looking straight at the road without any emotion written on his face. Hindi na muna ako umimik at pinakalma muna ang sarili sa nararamdaman.

When I managed to do it, I gained my strength to look at him again and speak, "Are.. you alright?"

Tumango lang ito at hindi nagabalang tignan ako. Ngumiti ako ng bahagya at tinapat muli ang ulo sa bintana.

I shouldn't.. feel this way...

I tried to think of another interesting topic to open up. I want to lure our minds for what happened earlier for a moment.

"Uh..by the way.. Lea looks nice," marahan kong banggit.

Tinignan niya naman ako ng nakataas ang kilay. "Yeah, she is. I used to play with her since she was a kid..."

I smiled. "T-talaga? Eh 'di ba nasa ano.. France ka?" I tried to be lace my voice with enthusiasm.

He hummed in agreeing tone. "Yeah when I graduated highschool I transferred to France, she's like a sister to me,"

I nodded at his statement. Wala kasi siyang kapatid, nag-iisang anak lang siya. Kaya siguro ay may pagkaistrikto siya dahil ganoon rin si Mr. Lawton Imperial, ang ama niya.

"You actually reminded me of her when I first saw you, she's just a year younger than you."

Unti-unting napawi ang ngiti ko, napatikom ako ng bibig sa sinabi niyang iyon. Parang may parte sa akin na mahirap tanggapin at masakit ang narinig mula sa kanya.

Did he mean...

I was just...

--

"Huy! Sapphire! Attention!"

I innocently looked at Duchess. I give her a questioning look pero inilingan niya lang ako at ibinaba ang dalawang bag  na hawak-hawak niya.

"Ang daya mo naman! Sabi mo you'll help me choose a bag?" reklamo niya sa akin kaya agad akong ngumiti.

"Sorry, taas mo uli." I said and flashed a sweet smile na nagpaikot sa mata niya.

Nandito kasi kami sa mall ngayon, naghahanap siya ng bag na ireregalo sa anak ng business partner nila para sa debut nito.

I stared at the beige petite shopping tote  while the other one is plain white boy bag with a gold details.

"Hmmm, 'yung white.." sagot ko.

Nagpatango-tango siya atsaka tumawag ng saleslady para ipaalam ang napiling bag. Maya-maya pa ay nagpunta naman ito sa cashier para magbayad.

"Let's go na," alok nito.

Nagpatuloy lamang kami sa paglalakad sa mall at paminsan minsang nagwi-window shop o bibilhin kung may napili. Nagpapatinaod lang ako kung saan pa siya papasok dahil nalipad ang isipan ko. Hindi ako makapagpokus sa mga bagay na nakikita ko.

"Why do I feel like ako lang nag-eenjoy dito? Ano ice cream nanaman ba?"

Agad akong napalingon sa kanya. Siguro ang itsura ng mga mata ko ngayon ay kumikinang sa narinig parang dalawang araw na ang nakalipas noong huli akong mag-ice cream.

"Wow, tara na nga! Para kang bata, ice cream lang katapat mo!" natatawang saad niya na nginisuan ko lang.

We headed towards a pizza parlor, nagugutom na raw kasi siya. They have ice cream here too kaya hindi naman ako nagreklamo pa. As if I will do that..

"Kailan kayo huling nagkita nung masungit na crush mo?" pagsisimula niya ng usapan nang magsimula na rin kaming kumain.

Inosente niya lang hinihiwa ang pizza niya, hindi pinapansin ang gawi ko.
Sumimangot ako sa kanya. "You mean Zeno?" tanong ko.

Napalaki naman ang mata niya at napatakip pa ng bibig na animo'y may bagong natuklasan na hindi kapani-paniwala. "My gosh! Don't tell me may iba ka pang crush!?"

Napapikit ako. Seryoso ba siya? I just wanted to clear it out dahil sa deskripsyon niya e.

I shook my head. "Days ago.. I don't know, he's busy ata.."

"Alam niya ba?"

Kumunot ang noo ko, "Na ano?"

"Na-love mo siya?"

"Hindi pa," agad kong sagot pero natuod ako ng mapansin na iba na ang ngiti niya. Agad naman nawala ang pagkunot ng noo ko at gulat na napatingin sa kanya, iba pala ang tinanong niya. "I-I mean a-ano—"

"Huli ka na Sap, wag na magpanggap!" natatawa niyang asik.

Umiwas ako ng tingin. Hindi naman ako bata pa para hindi maintindihan ang nararamdaman ko... siguro sa una nga gusto ko lang siya noon. Iba naman na ngayon, I wouldn't feel hurt this much if this is just some about petty crush.

"Can you keep this as secret?" I asked her sincerely.

Her brows wiggled in agreement and smirked playfully, "Of course, I will. Ikaw ang dapat umamin ano!"

Agad akong umiling. No, that can't be...

Her eyebrow raised, "Ano 'yan? Why not? Kilos dalagang mahinhin ka lang pero hindi masama umamin," sunod-sunod na ani niya.

Napalabi ako. I drank a water before saying a thing that I know will add to the pain I'm feeling right now, "He has... I-I think he has a boyfriend.."

Doon napaawang ang labi niya bago muling nagsara at bukas na parang may gustong sabihin pero hindi niya mailabas.

"He even t-told me.. that I reminded him.. of his cousin, 'yung tinuturing niyang l-little sister..." sabi ko at agad napayuko. Hindi ko na pinigilan ang luha ko, napatayo si Duchess at yumakap sa akin.
She just rubbed my back while I let my tears fall down to my cheeks.

That hurts for real...

Zeno's Sapphire Where stories live. Discover now