Chapter 18

3.4K 140 11
                                    

"W-what.. are y-you doing here...." Ang mga unang salitang lumabas sa bibig ko. Hindi ko rin alam kung bakit iyon pa, all I can ever think of now is the guilt I am feeling.

And his presence that I missed...

"Really, girl?" He lazily responded.

Napasimangot ako. Bigla na lang may nagbabadyang luha sa mata ko, the way he calls me hurts. I can't blame him, siguro ay marami siyang importanteng gagawin na hindi natuloy dahil sa akin.

I heard footsteps nearing at me hanggang sa maramdaman ko na siya sa gilid ko. He suddenly hugged me and sighed, "I'm sorry, baby girl. That's not what I meant,"

Pinalibot ko rin ang mga braso ko sa kanyang bewang at tumingala, "I'm sorry... dapat ay hindi ka na umuwi,"

Napataas ang isang kilay niya bago marahang kinuha ang braso ko pakalas sa kanya at hinawakan ang mga kamay ko. He sat in front of me at pinantayan ang aking mukha. "Why wouldn't I? I thought you missed me?"

"I do!" agad na sagot ko kaya agad rin akong pinamulahan ng pisngi.

He chuckled, "You should," He caressed my cheeks and stared at my eyes, "You have no idea how worried I am, baby."

He leans forward and kiss me on the lips. I was caught off guard kaya hindi ko alam ang gagawin ko- I mean this is my first kiss! Our first ever kiss as couple!

Hindi ko namalayan na humiwalay na siya habang nakaawang ang labi ko. Parang ramdam ko pa rin ang mga labi niya sa akin, I still feel the tingling sensation it did. It... feels good... Is this why my Dad loves to kiss my mom so much?

Nabalik ako sa realidad nang maramdaman ko ang yakap niya, "I'll talk to the doctor about this, eat your food first," he said bago kumalas sa akin.

Here he goes again with his strict side.

"Why not wait for them instead?" nangungusong tanong ko.

He stared at me for a while and let out a give-up sigh. I smiled inwardly when he grab my food instead and sit back at my front.

Malaki ang ngiti ko nang ihanda niya ang mga ito. Veggie Sandwich, corns and soup ang mga nandoon. Habang inaayos niya iyon ay bigla na lamang may tumunog, napatingin kaming dalawa sa bag kong nasa couch.

Agad naman siyang tumayo para kunin iyon, he glanced at it before letting me open it. "Thank you," I said.

Si Duchess pala ang nagtext, binuksan ko iyon at binasa sa isip.

"Ganyan ka pala magpa-uwi ng jowa ah. Bad Sapphire, buti na lang me behave. Pero next time, pabebe rin ako hihi. Btw, pagaling muah!"

Napabuntong-hininga na lang ako at lumingon kay Zeno, the same time he looked at me with questioning eyes. Ngumuso ako, "Paano 'yung... work mo?"

"What about it?" tanong niya habang inilalapit sa akin ang creamy soup.

"Ako na.."

Maarte niyang iniarko ang kilay niya. "And why don't you want me to help you?" pagtataray niya pa. Hays, kakaiba rin talaga siya.

Hindi naman ako pabebe kagaya ng pang-aasar minsan ni Duchess. Sadyang... ganito na ako e, tapos si Zeno ganito pa siya.

Umiling ako. "You're tired e,"

"No, Let me." seryosong saad niya.

Hinayaan ko na lang siyang pakainin ako. I was just asking him about his work and the things he need to comply pero palagi niyang hinahaluan ang sagot niya ng "Don't worry" "It's not important" "It's done" etc.

Maya-maya pa ng makatapos ako kumain ay dumating naman ang isang nurse at doctor.

"How are you Ms. Davids?" ngiti sa akin ng babaeng doctor. Nginitian ko lamang ito para iparating na ayos na ang nararamdaman ko.

Bumaling ito sa katabi ko, "Good afternoon Mr. Imperial," pormal na bati ng doktor.

Bahagyang nangunot ang noo ko at tumingin kay Zeno. "Good afternoon," He formally greeted back. Sumilip naman ito sa akin, "A family friend, baby."

I unconsciously nodded. Bakit parang hindi naman sila close kung ganoon? I mean, hindi pala talaga sila. Nakita ko naman ang saglit na napaawang ang labi ng doktor at napalitan na lamang ng natutuwang ngiti sa akin.

Maybe she was shocked that Zeno has a girlfriend at hindi boyfriend...

Ilang usual test lang ang ginawa nila bago natapos ang check-up sa akin. She was about to tell me the whole situation ng tumikhim si Zeno.

"May I know the reason why is she here since yesterday?" biglaang tanong nito na ikinapula ko. I suddenly felt shy for unexplainable reason.

Marahang tumawa ang nurse at napangiti na lamang ang doktor at sinagot ang tanong niya. "Her blood sugar is increasing, lumagpas na sa normal rate. We call this a non-diabetic hypergyclemia, this can be treated through changing a diet that will suits your condition. And for her long sleep, it maybe a cause of fatigue and dizziness she felt."

Saglit na tumingin sa akin si Zeno bago muling nagtanong sa doktor, "I see, when will she be discharged?"

"Since she's doing fine already, pwede na siya magdischarge ngayon." ani nito bago humarap sa akin, "Just don't forget to manage your diet para hindi maulit ito at mabilis ang paggaling mo,"

"Thank you," nahihiyang sagot ko.

Zeno bid his thanks as well kaya nagpaalam na rin ang mga ito. Bumaling naman sa akin si Zeno at saka tumitig kaya hindi ko magawang tingnan siya pabalik.

"What have you been eating?" biglaang tanong niya. "Don't tell me you got this because of mere ice creams?"

Ngumiti ako. "Siguro..." I awkardly said.

Napaikot naman ang mga mata niya at tumayo, "So you  ordered much ice creams behind my back, huh?"

Hindi ko na lamang sinagot ang tanong niya. Ngumuso lang ako at nagpatulong bumaba ng kama, "I'll change.."

"Psh," He just said habang inaalalayan ako. Nang makarating ako sa harap ng cr dala ang damit galing kila Mom kanina ay nagpaalam din siya.

"I'll settle the bill first, wait me here." He said with finality at iniwan na ako. Hindi na ako nakaangal nang lumabas siya ng kwarto.

Hays, hanggang hospital bill ko pa naman siya mag-aayos? It made me feel glad pero hindi ko rin maiwasan makaramdam ng iba para kasing hindi pa nga kami mag-asawa tap-

Huh... Napaubo ako, Sapphire Light, ano ba pinag-iisip mo? Nahihiya ako bigla sa mga iniisip ko.

Bahala na nga, magbibihis na lang ako.

Zeno's Sapphire Where stories live. Discover now