One Nigth Stand - 14

1.1K 19 1
                                    

Naggising ako dahil sa bahagyang pagyugyog ni May sa balikat ko. Hindi ko namalayang napasarap na pala ang tulog ko.

"We're here!" masayang anunsiyo niya nang magmulat ako ng mata. Kinusut-kusot pa ang mga mata ko at saka ako sumunod kay May pababa ng van. Nag-iinat ako ng kamay nang makita ko ang view na nasa harap ko.

  

  

  

Nakatayo kami sa gitna ng matataas na puno at sa bandang unahan ay kitang-kita ko ang payapang dagat. Weird kasi walang kaalon-alon ang dagat.

  

Nagpasalamat si May driver at hinila ako papunta sa kaliwang direksiyon. "Dapat ay sasakay pa tayo ng multicab kaya lang chinika-chika ko si manong driver kanina at nalaman kong dito rin pala talaga ang destinasyon kasi may susunduin daw siya mayamaya. So, ang ending isinabay na tayo ni manong hanggang dito sa loob ng campus," pagkukwento ni May na hindi ko naman masyadong naintindihan dahil medyo tulog pa ang diwa ko.

Namalayan ko na lang nasa loob na kami ng isang karinderya na thirty-five pesos ang bawat order. Combo meal na 'yon, may ulam at kanin na. Pagkatapos umorder ay bumalik na si May sa pwesto namin. "Ako na umorder para sa 'yo kasi mukhang wala ka pa sa katinuan mo," sabi niya.

Magsasalita na sana ako nang bigla namang isang lalaki ang pumasok sa karinderya at dire-diretsong lumapit sa amin at saka humalik kay May sa labi. Bagama't nagulat ay hindi ko iyon ipinahalata nang ipakilala kami ni Loisa sa isa't isa.

"Irish, this is June, boyfriend ko. Babe meet my friend, Irish."

Tinanggap ko ang pakikipagkamay ng boyfriend ni May. At hindi na ako nagtaka pa nang makiupo siya sa amin. He asked me some questions para siguro hindi ako mailing sa kanya bagay na sinagot ko naman. Natigil lang ang chikahan namin nang dumating ang mga inorder na pagkain ni May.

 At dahil siguro matagal na hindi nagkita ay parang biglang nagkaroon ng sariling mundo sina May at June. Panay ang subuan nila at paminsan minsan ay ninanakawan ni June ng halik ang kaibigan ko. Sa halip na mainggit ay itinuon ko na lang ang mata ko sa iba.

  

Paglingon ko sa kaliwa ko ay nakita ko ang isang lalaking mag-isang kumakain. Naka-side view siya sa 'kin kaya kitang-kita ko ang tangos ng ilong niya. At ganun na lang ang ngiti ko nang bigla siyang lumingon paharap sa 'kin. Naramdaman siguro ng lalaki na may nagmamasid sa kanya.

  

Saglit na nagtama ang mga mata namin ng lalaking may earphones na nakakabit sa tainga. At napangiti ako sa nakikita ko ngayon. Gwapo ang lalaking nakaupo sa kabilang pabilog na mesa. Abot hanggang balikat ang itim na itim niyang buhok na nililipad ng pang-umagang hangin. He has prominent cheekbones, straight long nose and beautiful brown eyes.

Sa saglit na pagtatama ng mga mata namin ay nakita ko ang pagkibot ng mapupula niyang labi na parang ang sarap-sarap halikan. Pupusta akong mabango ang hininga niya kahit bagong kain pa siya.

Pero nadismaya ako nang pagkatapos ko siyang ngitian ay nagbawi siya ng tingin at ni hindi man lang gumanti ng ngiti. Antipatiko!

At sa halip na isipin ang supladong lalaking 'yon ay nag-concentrate na lang ako sa pagkain ko. Pero may mga times talaga na hindi ko mapigilang sumulyap sa kanya. At iisa pa rin ang assessment ko sa lalaki: super gwapo at well, nuknukan ng suplado.

Nakaramdam pa ko ng panghihinayang nang umalis na ang lalaki at naglakad palayo. Hindi ko napigilang sundan siya ng tingin. Kahit ang paraan niya ng paglalakad ay malakas rin ang epekto sa akin. Nakapasok sa loob ng shorts niya ang dalawa niyang kamay at marahan lang na naglalakad.

one night standWhere stories live. Discover now