One Nigth Stand - 11

1.1K 29 0
                                    

Nang mahimasmasan ako ay mabilis na nagpunta ako ng banyo at naghilamos. Hindi pwedeng malaman ni Sam ang nararamdaman ko. After all, ginagamit ko lang naman siya at isang araw ay aalis din ako dito sa bahay. Ilang linggo na lang at matatapos na ang klase namin.

Lihim na ipinaalala ko sa sarili ang noon pa ay plano ko na kapag grumaduate ako. Aalis ka ng lugar na 'to, Irish. Magpapakalayo-layo ka at magsisikap para magbago ang buhay mo.

At hindi pwedeng mamagitan ang kung ano mang mayroon kami ni Sam sa dati ko nang plano. Kaya ngayon pa lang ay papatayin ko na sa puso ko ang kung ano mang emosyong nagsisismulang tumubo sa puso ko para kay Sam.

  

Saktong natapos akong magbihis ng pangbahay nang may kumatok sa pinto. Nang buksan ko ang pinto ay si Sam ang bumungad sa akin. This time ay may suot na siyang itim na sando.

"Can we talk?" tanong niya sa 'kin.

Niluwagan ko ang pagkakabukas sa pinto at hinayaan ko siyang makapasok. Umupo ako sa gilid ng kama at naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

  

"Hey, galit ka ba?" tanong niya sa 'kin habang hinahaplos ang pisngi ko. "'Wag mong isipin 'yong nakita mo. Wala 'yon, dinare lang nila ako. Saka wala naman talagang nangyari."

Kaya pala pawis na pawis kayong dalawa n'ong babaeng 'yon nang lumabas kayo sa kwarto! gusto kong isigaw sa kanya. Pero hindi ko ginawa.

"Hindi mo naman kailangang magpaliwanag, Sam. Wala naman tayong relasyon, 'di ba?" Napatitig siya sa 'kin dahil sa sinabi ko. "Hindi mo naman kailangang magpaliwanag kasi nakikitira lang naman ako sa inyo dito."

Hinawakan ni Sam ang mga kamay ko at saka marahang pinisil-pisil. "Hey, don't say that. Amber, hindi naman kita patitirahin dito sa bahay kung hindi ka mahalaga sa 'kin. I'm sorry, okay? Kung ano man 'yong nakita mo kanina, kalimutan mo na 'yon. I'll make it up to you, I promise." At hinalik-halikan ni Sam ang dalawa kong kamay.

Nang halikan niya ako sa labi ay hindi ako tumanggi pero hindi ko rin iyon sinuklian. At nang maramdaman kong bumababa ang labi niya papunta sa leeg ko ay itinulak ko siya at saka ako tumayo.

  

"I'm sorry, pagod ako. Besides, marami tayong gagawin ngayon. Finals na natin next week."

Nakita kong nagtagis ang bagang ni Sam dahil sa ginawa ko. "Fine," aniya at saka padabog na lumabas ng kwarto.

Napahawak ako sa labi ko at nakaramdam ako ng pagkainis sa sarili ko dahil kahit wala na si Sam ay parang nararamdaman ko pa rin ang labi niya sa labi ko.

Pero tama lang naman siguro ang ginawa. Ano, pagkatapos niyang magtampisaw sa kandungan ng ibang babae ay ako naman ang pupuntiryahin niya?

Nang bumaba ako para sana uminom ng tubig ay nakita ko si Nana Berlin at Kc na papasok ng sala. Mukhang kakagaling lang nila ng grocery. Tinulungan ko silang magbuhat ng mga pinamili hanggang sa kusina.

Mayamaya lang ay nagpaalam na si KC na uuwi. Hindi kasi stay-in si KC dahil malapit lang ang bahay nila. Pumupunta na lang siya dito kapag alas-siyete na nang umaga.

Natapos ang araw na 'yon na hindi na kami ulit nag-usap ni Sam. Hindi ko alam kung umalis ba siya ng bahay dahil hindi namin siya nakasabay ni Nana Berlin sa pagkain ng hapunan. Nahihiya naman akong magtanong sa matanda dahil baka mabigyan pa ng malisya ang pagtatanong ko. Kaya pagkatapos kumain ay dumiretso na lang agad ako sa kwarto ko para mag-review ng lessons.

Kailangang matataas pa rin ang mga markang makuha ngayong fourth grading para pagdating ko sa Maynila ay hindi ako mahirapang maghanap ng university na papasukan.

one night standOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz