CHAPTER 11 - OUR PAST

23 2 0
                                    

PABLO

Having Liv is a big change in my life.
She makes everything at peace in me.
Every time I feel drained and exhausted, lagi syang nanjan para pagaanin yung mood ko.

"Ganda ng smile, Pau ah. Iba talaga pag inlove.." Pang assar ni Josh.

Inamin na din namin sa kanila yung relationship namin, ni Liv support naman sila pero we want to keep it private sa media. Lalo na't part si Liv ng 1Z, ayokong pagkaguluhan sya. Naging concern ko lang ng una si Ken, pero at the end tinanggap naman nya. And I see na ok pa din yung treatment nya kay Liv.

Liv spent quite sometimes with Mama and Papa sa Cavite, kahit na di ako kasama pinapapunta pa din sya dun ng parents ko, nakakapag selos na nga e. Pero masaya na they treat her as one of their daughter.

"Panong di gaganda? Eh kasama nya sa Japan si Liv next week." Dagdag pa ni Stell

Nagplano ako ng out of the country vacation naming dalawa, sa dami kasing ganap nabawasan yung alis at pagkikita namin.

"Kayo naman, pwede din naman kayo magbakasyon if you want." Hirit ko sa kanila.

"Ah ako mag hohongkong kami." Ngiti ni Justin

"May shoot ako ng MV e, kaya team pinas muna ako." Sabi ni Josh.

"Ikaw Ken?" Tanung ni Stell

"Wala pa akong plano e. I dunno, baka dito na lang din muna."

Nangiti na lang kami sa sagot ni Ken. Knowing him na tamad talaga umalis alis.

"Hey, busy?" Katok ni Liv sa pinto. Napasmile naman ako pagkita ko sa kanya.

"Nope, bakit?" Tanung ko.

"Bakit, love.. ay liv.. hahahaha!" Pang aasar ni Stell. Tawa naman ng tawa yung dalawa pero si Ken walang reaction.

"Mag oorder kami ng snack, papasabay ba kayo?"

"Ah sige. Yung dati pa din sakin.." ngiti ko sa kanya

"Got it." Ngiti nya pabalik, "kayo?"

Isa isa na silang nagsabi ng gusto nilang snacks, at nang complete na ay lumabas na din sya.

"Swerte mo Pau kay Liv, maganda na, talented pa, ang daming skills, grabe. Para syang cinustomized only for you no." Sambit ni Justin

"Mapapasana all ka na nga lang.."bulong ni Ken. Napatingin naman kami sa kanya, "oh? Walang ibigsabihin yun ah, nasa moving on stage pa ko.."

Natawa naman kami sa hirit nya. I can't stop him for liking Liv kasi its his feeling which I cannot invalidate.

"Wag ka mag alala Ken, ipagcucustomize din kita," pang aasar ni Stell.

"Wag na, Gar. Baka imbis akin yung sayo ang magawa mo"

Lalo kaming natawa sa hirit ni Ken.
Natututo na din sumagot e.

"Pero ikaw ba Pau, kelan mo imemeet yung family ni Liv?" Tanung ni Josh

Napasandal ako sa swivel chair ko, nakwento naman na sakin si Liv yung iba tungkol sa kanya pero hindi lahat.

"Wala syang family dito sa Pilipinas eh, meron sya pero nasa L.A, ang kaso may iba nang family yung mother nya.. then yung father nya..hindi nya nameet.." yun ang alam ko.

Nakita ko naman ang pagseryoso ng mukha nila. Di naman kasi ako makwento lalo na kung hindi ko buhay.

"Ang lungkot naman.. ang alam ko nga rin kaya sya nandito sa Pilipinas kasi may nangyari e, na ginusto na lang nya mag stay dito, di na din nya nakwento.. ayoko namang itanung."  Dagdag ni Justin

Nakwento din sakin to ni Liv. Ang totoo gusto ko malaman pero di ko na tinanung ulit.

"Pero she managed to graduate kahit self supporting sya sa L.A. Doing different jobs para makapag aral. Nakakatuwa na, yung filipino culture di nawala sa kanya. Hindi sya naging liberal.." dagdag ko. And I'm proud of her.

"Seeing a proud boyfriend here." Ngiting sambit ni Ken

"Halos, di nagkakalayo yung situation natin sa kanya. Nakakatuwa, kaya pala naging close natin sya agad." Sambit ni Stell.

We are here na sa Japan.

Naging sobrang busy namin nung mga nakaraan, adjustment ng schedule bago kami nagkaron ng time magbakasyon, kahit na one week lang ok na basta magkasama kami.
Winter ngayon kaya sobrang lamig dito.
This is one of my favorite country, ang peaceful kasi.

Dumiretso muna kami sa hotel para magpahinga kasi wala pa din talaga akong tulog sa daming events and engagements.

Saktong 7am naman nang magising ako and seeing Liv still asleep. Ang cute nya, imbis sa bumangon niyakap ko na lang muna sya. Sana laging ganito, kaya I do everything maging stable para dumating yung time na maenjoy ko kasama sya.

"Good morning, Pau." Bati nya sakin

"Good morning, gusto mo na ba magbreakfast?" Yumakap pa sya ng mas mahigpit sakin, mukhang wala pa atang balak bumangon.

"Mamaya na. Malamig e.." parang bata, ang cute.

"Eh syempre winter. Tara na, bumangon na tayo para makarami tayong gala." Yaya ko sa kanya. Ilang minuto po bumangon na din kami. Buti na lang may brewing machine and beans, nauna na kong naligo kasi may katagalan ako habang nag totoast naman sya ng bread.

"Thank you." Abot nya sakin ng coffee.

Someday, lagi ko na tong maeexperience.
Coffee with her.
In our own home with little Pau and Liv.

"Why are you smiling? What are you thinking?"tanung nya.

Hays, eto natutulala na naman ako.

"Nothing.. I'm just happy."

Totoo masaya talaga. Akala ko, di ko na to maeexperience when I lost Joy, pero ngayon mas higit pa yung saya na meron ako ngayon.

Naging mabilis ang one week na bakasyon namin, last night namin ngayon dito sa Japan, kaya di na kami masyado nag ikot. Nag stay na lang kami sa hotel para hindi kami pagod pag dating sa Pilipinas.

"Parang ang lalim na naman ng iniisip mo?"
Yakap sakin ni Liv, nandito kami sa carpet floor habang ako umiinom ng wine, sya naman juice.

"I'm thinking of the future.. future natin."

"Care to share?" Ngiti nya sakin

"You.. as my wife." Tumitig ako sa mata nya,
Wala naman na akong gusto makasama kundi sya e. Sigurado na ko dun.

"At first, I really like you. Sabi ko, baka attracted lang ako kasi ang ganda mo, ang galing mo. Baka natithrill lang ako sayo.. pero hindi na ngayon, kasi mahal na talaga kita, Liv. Alam ko yun sa sarili ko. Mahal talaga kita, lahat ng plano ko sa future kasama ka, sinama ka ng puso ko."

"I.. I just can't believe you'll love me this way, Paulo. Sana, sana di yan mabago when the time comes na marami kang malaman na di maganda sakin." Malungkot nyang sagot sakin.

"Liv, kahit ano pa kaya ko. Di naman na mahalaga yung past e, what's important is now, us, our future."

I see tears forming in her eyes, that's why I kiss her which eventually she answered.

"Whatever your past, Liv. I will accept it.. and if you feel talking about it just tell me, I'm hear to listen without judgement."

"Thank you, Pau."

Finding You My Symphony || SB19 PABLOWhere stories live. Discover now