CHAPTER 8 - MY HOME

18 2 0
                                    

PABLO


We're here sa Singapore para sa three day shoot namin sa International Magazine and Press Con.
Di na sinama si Liv kasi provided naman ng organizer yung buong team for photo ops down to editing na ihahandle na lang din samin yung copies. Busy din naman si Liv sa editing ng mga solo MV namin kaya tama lang na di sya sumama.

"San tayo maya after shoot, free daw tayo e sabi ni Ate Bea. Tapos bukas na ulit call time." Tanung ni Justin.

"Tara kain tayo, night market ganun!" Yaya ni Stell

"G! Tara tara!" Sabi naman ni Josh

"Sama din ako, gar!" Eto ring si Ken

Naka standby kami ngayon for last layout ng shoot, then bukas naman sa ibang place kami kukunan. Ang totoo ayoko sumama, balak ko ivideocall si Liv. I really miss her.

"Ikaw, Pau? Tara, para makalibot tayo" yaya ni Stell

"Pwedeng pass muna? Gusto kong matulog ng maaga." Palusot ko.

"KJ mo naman!" Inis ni Stell

"Eh gusto ko nga matulog e!"

"Tss. If I know..." Bulong ni Justin sabay smirk sakin. Loko to ah.

Tumayo naman si Stell at lumapit sa pwesto ko, eto na naman yung tingin nyang akala mo inbestigador e.

"Alam nyo.. nakakahalata na ko dito kay Pablo e.. tingin ko, sakin lang to ah.. may babae to." Usisa ni Stell

"Ay weh? Sino?" Isa pa tong si Josh

Nakita ko naman na tumingin din sakin si Ken, na mukhang may idea din e.

"Ayoko na lang magtalk.." ngisi ni Justin

"Ay! Sino yan Jah?" Ano Josh excited talaga?

"Ano? Magsabi na, wag nang nagsesecret pa, Pau. Tayo tayo lang oh!" Pilit ni Stell na mukhang tuwang tuwa sa ginagawa nya.

"Tss. Oo na, sasama na ko mamaya magsitigil lang kayo sa kulit nyo! Mga hayp talaga kayo" inis kong sagot kay Stell

Tawa naman ng tawa si Jah pati si Stell sa reaction ko, kung meron talagang pinakachismoso dito etong dalawa e. Dagdag nyo na din si Josh.


Kagaya nga ng aya nila,
Naglibot kami that night dun na din kami nagdinner.
Nagmessage na lang ako kay Liv na mamaya ko na lang sya tatawagan pagkabalik namin sa hotel.
Kahit na sinabi nyang itulog ko na lang para nakapagrest,
How can I do that if sya ang pahinga ko.

Nandito kami sa isang bar malapit sa hotel for our last drop. Di naman kami pwedeng uminom kasi may shoot pa bukas then Presscon sa gabi. We just order one wine for each and enjoy the view.
I video the area and the scenery and send it to Liv.

'ang ganda dito. Punta tayo out of town pag may freetime.'

"Huy, Pau." Tawag sakin ni Stell, nakapwesto na kasi sila ng upo. Terrace yung pwesto namin kaya ang ganda at mahangin.

"Ang ganda dito no" nakangiting sabi ni Josh paglapit ko at naupo na din sa tabi ni Stell.

"True. Masaya bumalik dito pag may lovelife kana.." nakangiting hirit ni Justin. Pero kung titingnan mo, pairing nga din talaga dito. Lalo ko tuloy na miss si Liv.

"Eh kaso wala, so tayo tayo muna." Tawa tawang saad ni Stell.

"Tanung nyo si Ken.. hahahah!" Tawang hirit ni Josh

"Bakit anong meron kay Ken?" Tanung ni Stell

"Oy! Tumigil kayo, friends lang kami sabi ni Liv." Nakangiting sagot ni Ken na mukha namang kinikilig. So totoo nga hinala ko dito.

"Oh teka! Bat nagnename drop?! Hahahaha!" Dagdag pa ni Stell na syang tawanan nila.

Dapat ba matawa din ako?

"Eh, alam kong dun nyo na naman ako tutuksuhin e." Nakangiting hirit ni Ken

"Hahahah! Bat kinikilig Ken?" Asar naman netong si Justin

"Di ah! Pinagsasabi mo?" Sagot ni Ken


Nagpatuloy pa sila sa asaran, na di ko alam kung pano makipagsabayan ngayong si Liv ang topic nila for Ken. Di ko alam kung na nanadya ba tong mga to e.

But one thing made up my mind.
Kelangan nilang malaman na girlfriend ko na si Liv.



Nakabalik na kami from Singapore pero di pa din lami nagkikita ni Liv, dumiretso kasi ako pagkauwi ko ng unit sa quick meeting with the endorser kasama si Kuya Yani dito sa Hotel.
I really want to see her.

Past 7pm na natapos yung meeting namin, I messaged her and sabi nya nakauwi na sya, eto tuloy ako naexcite na umuwi na ng unit. Dumiretso ako sa unit nya kaya pagkabukas palang nya ng pinto niyakap ko agad sya.

"I miss you, Liv.."

"I miss you too, Pau." Yakap nya sakin pabalik.

Now I'm home.

Sa sobrang pagkasabik kong makita sya, I cupped her face and kiss her.
Sobrang namiss ko talaga sya. There is a part of me na adik na talaga sa kanya. Gusto ko syang laging makasama.

"So how's your flight?" Tanung nya sakin, we are having our dinner. Napaka picky ko sa pagkain, pero yung luto nya at luto ni Mama talaga yung pasado sa tastebuds ko.

"Good. And tiring. Pero mas nakakapagod na diretso meeting agad." Sagot ko.

"But that is a good tiring day. It means, mas lalong dumadami yung support sa inyo."

"Yeah. You're right. Teka, nasabi na ba sayo ni Ate Bea yung sa Palawan?"

"Yes. Nakapagset na din ako ng concept for the shoot, ipapakita ko na lang kay Justin."

"Are you going? I want you to come.."

"Pero may team na dun yung Acer,"

"Yeah, pero gusto ko pa din sumama ka, para makapag bakasyon na din." Ang totoo, nakakapagod din yung ginagawa nya. Laging si Justin at Josue yung kausap nya for her edits. Tapos mga directors ng bawat shoot namin. And this time I want her to enjoy naman.

"Sige. Gusto ko din makapunta sa Palawan.." nakangiting saad nya sakin.

"Then, fix your things, isasama kita."

Naging ganito yung rotation namin, ibababa ko lang yung gamit ko sa unit, then diretso na dito sa unit nya.
Minsan naman sya ang pumupunta sakin lalo na pag nagpapatulong ako for music.
She really has an ear pagdating sa music, she knows how to sing din kasi.

But one thing that I like about her,
That is her time.

Lagi syang may oras para sakin pero never ako hinanapan ng mga bagay na di ko nagagawa.
Na kahit ang busy ko, lagi pa din syang nakasupport at minsan sya pa to na nagpupush sakin to try new things sa career ko.

Totoo pala,
Home is not a place.

It is someone who makes you feel like home.

And she is.



Finding You My Symphony || SB19 PABLOWhere stories live. Discover now