CHAPTER 13

3 2 0
                                    


VOLCAN POV




NAPAKA LAKAS NIYA! Kahit anong bilis at lakas ay nahihigitan niya... ganito ba kalakas ang isang demonyo nagawang makalaya sa impyerno?




"AAAGHH!" bumaon sa dibdib ko ang halos kalahati ng braso ni Dashmiel

"Ang sabi malakas ka raw... nagawa mo raw matalo ang halos daang-daang mga demonyo dito sa lupa, hmp. Pero mahihina lang naman sila...iba ako sa kanila!"

"Argh..." biglaan niyang binunot ang braso niya na bumaon sa dibdib ko kayak naman halos sumuka ako ng napakaraming dugo

"Mahina ka!"




Mula sa kanyang kamay ay bumuo siya ng sandata at alam ko na papatayin na niya ako pero hindi ako makakapayag, may mission ako na dapat kong tuparin..

Kahit nanghihina na ako ay pinilit kong igalaw ang kamay ko para hawakan ang sandata ko. Pinipilit kong bumangon sa lupang kinasasadlakan ko kahit hindi na umaapoy ang mga paa ko.




BUMANGON KA VOLCAN! BANGON HINDI KA PA TALO!





"Paalam na sayo... Mamatay ka!"

"AAaggghhhh..." buong lakas ko ay inilabas ko para lang bumalik yung matinding init ng katawan ko




Nang sandaling malapit na tumarak sa akin ang palakol na sandata niya ay bigla siya ng mahawakan ko ito.

Ang kamay ko ay nagbago ng anyo, itoy naging isang kamay na kayang lusawin ang kahit na anong bagay.




"Ikaw..."

"ERUPTIO VULCANICA: MOLTEN MAGMA!"




Walang kahirap-hirap nitong nilusaw ang sandata niya.



Hahawakan ko sana siya pero mabilis siyang nakalayo sa akin. Lumipad ako para habulin siya pero ang mga paa ko... bigla na lang nawalan ng apoy kaya sa huli ay nahulog ako at excalibur ang sumalo sa akin.



"Excalibur... Habulin mo siya..."



Wala akong narinig na sagot sa kanya nakatingin lang siya sa akin.



"Iwan mo muna ako dito habulin siya, kaylangan ko munang magpahinga... pangako susunod ako sayo kaibigan."

THE WORLD FINEST DOCTOR'S (WHO IS DOCTOR BLADE BOOK 2)Where stories live. Discover now