CHAPTER 11

1 1 0
                                    

SA KABILANG DAKO ang isang grupo na binubuo ng mga satanista ay nagkakatipon sa isang hindi malamang lugar, kabilang duon si Lucia.







"Hindi niyo parin ba nagahahanap ang Alpha Stigma hanggang ngayon?! Malapit ng dumating ang ikatatlong libong taon na nakakulong ang hari ng kadiliman at alarm niyo naman na isang beses lang sa tatlong libong taon siya pwedeng makatakas sa impyerno."

"Sorry po supremo pero masisiguro po namin na bago dumating ang ika-tatlong libo at bago isilang ang vessel ay mahahanap po namin siya."






"Pwede ba magtanong supremo." singit ni Lucia kaya't ang lahat ng tingin ay nabaling sa kanya. "Ano po ba ang alpha stigma-"

"Pwede bang manahimik ka baguhan?!" singhal sa kanya ni Lester.

"Nagtatanong lang naman ako, gusto ko lang naman malaman kung ano ba yun at bakit napaka importante." matapang na sagot ni Lucia







Tumaas ang kilay ng mga kasama niya at agad siyang pinagisipan ng masama.





"Tss, akala mo naman may maitutulong ka!"

"Ang Alpha Stigma ay ang pinaka malakas na third eye at ito rin ang susi para makalaya lahat ng diabolo na nakakulong." ang sagot ng supremo. "Ang lahat ng mga demonyo dito sa lupa ay gawa lamang ng negatibong nararamdaman ng mga tao kagaya ng lungkot, galit, paghihiganti at iba pa pero ang mga yon ay mahihinang klase lamang... Ang mga malalakas sila ang nakakulong sa ibabang lupa!"





Natigilan si Lucia matapos marinig yon. Katakot-takot ang rebelasyon na sinagot sa kanya ng supremo, balak ng supremo palayain ang malalakas at kabilang duon si Lucifer!




" Ang taong may Alpha Stigma... ay may kakayahan makita, marinig ang mga anghel at demonyo." ang huling sinabi nito na lalong gumulat sa kanya

"Mukang kilala ko..."

"Ano yun?" kumunot ang noo ng supremo. "Sinong tinutukoy mo?"




Sumilay ang malademonyong ngiti sa labi ni Lucia.



"Ang taong tinutukoy mo... ay BEST FRIEND ko, supremo."







         *** DR. LOVERIZA POV ***

UMAGANG-UMAGA nandito ako ngayon sa tambayan ko, dito sa may rooftop ng hospital. Ako lang ang magisang pumupunta dito para magpahangin o magtambay kapag wala naman masyadong ginagawa o kapag kakain ako kagaya ngayon.

Hawak ko ang isang cheese burger saka sinubo ito sa bibig ko pagkatapos ay malungkot na tumingin sa langit, namiss ko bigla ang best friend ko.

Habang nakatayo ay may naramdaman ako na nasa tabi ko pero weird kasi hindi ko siya makita at hindi ako nakakaramdam ng takot.




"Alam mo namiss ko na ang best friend ko. Sana makita ko na siya noh?" panimula ko. "Alam mo lahat ng tao sinasaksak ako patalikod ngumi-ngiti sila, aarte na mabuting kaibigan pero patalikod ko pinaguusapan nila ako at iniinsulto. Pero Lucia never niya yon ginawa at pinagtatanggol niya ako kaya siya ang bestfriend ko."





Bigla na lang akong may naramdaman na maiinit na kamay na humahaplos sa akin. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin nun. Sign ba yun? Sign para saan?

Napabuntong hininga ako.




"Nonsense talaga itong ginagawa ko na kausapin ka kung sino ka man na ponsyo pilato. Pero sige salamat kung sino ka man salamat sa pakikinig."


Oras na para magtrabaho ako.



Bigla naman akong kinabahan... Kasi naalala ko bungangero nga pala ang BOSSING ko si Dr. Gino!

Tama, ganito na lang magpapanggap akong hindi ko siya napansin pagnakita niya 'ko o kaya kunwari busy ako kanina pa.

Kasalukuyan akong nasa Elevator ng biglang tumunog ang Cellphone ko. Tumatawag si Marcus na kapwa ko resident.





"Hello--"

"Senior! May isinugod po na inatake sa puso!"

"H-Huh ah... sige papunta na ako huwag mo hahayaang ma expired ang pasyente."




Expired... means mamatay o patay na.



Tapos tumawag naman si Moon at kaagad ko itong sinagot.




"Moon may--"

"May dumating na pasyenteng may lung cancer, specialty mo ang lungs at puso diba kaya sa iyong trabaho ito."

"Pero kasi may nauna na--"

"May inooperhan si Dr. Gino at day off naman ng ibang cardiothorasic surgeon, sa lahat ng resident ikaw lang thoracic surgeon na nandito kaya ano ba bilisan mo na!"





Napakuyum ako ng kamao ko...
Totoo na parehas ko ngang trabaho ang puso at lungs pero sabay sila dumating?! Iisa lang yung katawan ko!






SAMANTALA.






Si Volcan ay pinagmamasdan ang mga nangyayari, sa isip-isip niya ay napagaling na niya yung iba pero bakit sa halip na mabawasan ang pasyente ay dumadami pa? Kitang-kita niya rin na nanatiling comatose si Anna na dapat ay gising na.





"May mali dito... Nasaan ang kanyang espirito? Nasa loob ng katawan ang kanyang kaluluwa pero nasaan ang espirito niya?"

"Hinahanap mo ang espirito niya?" mula sa kanyang likod ay narinig niya ang isang boses







Nilingon niya ito.
Tumambad sa kanya ang isang nilalang may napakahabang sungay at buntot.

Kaya pala... kahit sinubukan na ni escanor pagalingin ang babaeng yon ay hindi umiepekto dahil sa kanya,





DASHMIEL ang demonyong na kukulekta sa espirito ng mga tao papunta sa imp-





"Nandito oh..." nakangising sabi nito habang hawak hawak ang isang maliit na kahon. "Nagiipon ako ng mga malakas na espirito na iaalay ko sa hari ko sa oras na lumabas na siya... ikaw, gusto mo bang mapabilang sa collection ko?"

THE WORLD FINEST DOCTOR'S (WHO IS DOCTOR BLADE BOOK 2)Where stories live. Discover now