Ika-siyam na Kabanata

1.1K 75 187
                                    

***

Bisperas ng araw ng kapistahan ng bayan ng San Diego.

Madilim na ang paligid pero nasa labas pa rin ng kanilang mga bahay ang mga taong nadadaanan namin.

Mag-isa ako ngayong nakasakay sa kalesa at ang tanging kasama ko lang ay ang lalaking nagpapatakbo nito. Patungo kami sa bahay ni Aurora.

Ang sabi kasi ng Gobernador-Heneral ay dahil daw piyesta bukas ng bayan ng San Diego ay malaya kaming umuwi sa kanya- kanya naming bahay.

Wala naman akong ibang uuwian kung hindi ang bahay na pinanggalingan ko noong araw na mapunta ako sa panahong 'to.

Sana lang talaga ay madaling pakisamahan ang makakasama ko sa bahay na uuwian.

Napabuntong hininga na lang ako nang maalalang hindi pala ako nakapag-paalam kay Señorita Veronica bago umalis.

Ang oa mo talagang nilalang-dalawang araw mo lang naman hindi makikita si Señorita!

Tinuon ko na lang ang pansin sa mga nadadaan naming mga bahay at bukid at nang magsawa ay nagbaling ako ng tingin sa lalaking nasa harap.

"Kuya-malayo pa po ba tayo?" tanong ko sa kanya.

Nababagot na kasi talaga ako, sana pala ay sinama ko na lang pauwi si Cecilia para may kadaldalan ako sa byahe.

Saglit namang lumingon ang lalaki sa akin at pansin kong nakakunot ang noo nya at parang nanghuhusga kung makatingin.

Problema nito?

Mga lalaki sa panahong 'to parang mga kinulang sa buwan bago ipanganak.

"Malayo-layo pa, binibini." sagot nito sa akin.

Tumango na lang ako kahit hindi naman nya ako nakikita dahil sa daan na sya nakatingin ngayon.

Dahil wala naman na akong ibang gagawin ay napagdesisyunan kong itulog na lang ang pagkabagot na nararamdaman ko.

Nagising na lang ako ulit nang maramdaman kong huminto na ang kalesa. Pagtingin ko sa labas ay bumungad sa akin ang isang pamilyar na bahay.

Ito iyong bahay kung saan ako nagising nung araw na iyon kaya nasisigurado kong nandito na kami.

Inabot ko ang baryang bayad sa lalaki bago kuhanin ang dalawang bayong na dala ko na naglalaman ng mga damit at iba ko pang gamit.

Bumaba ako ng kalesa at naglakad papalapit sa bahay.

Madilim at puno ng ingay ang paligid. May naririnig akong iyak ng bata, nagtataga ng kahoy at ang pinaka maingay sa lahat ay ang iyak ng baboy na parang kinakatay.

Ganitong ganito ang mga eksena ssa probinsya kapag may handaang magaganap kinabukasan.

Iyong tipong tulong-tulong ang lahat sa
pagluluto ng mga handa kahit hindi mo naman kaanak.

Kahit madilim ang paligid ay tanaw ko pa rin ang mga taong aligaga sa kung ano mang mga ginagawa nila at ang tanging ilaw na nagsisilbing liwanag nila ay ang apoy na nanggagaling sa lampara.

"Aurora?" narinig kong tawag ng kung sino man sa pangalan ko kaya agad kong hinanap ang pinanggalingan ng boses na iyon. "Ikaw na ba iyan?"

Paglingon ko sa kanan ko ay doon ko nakita ang pigura ng isang babae na papalapit sa akin.

Isang Daang Tula Para Kay Veronica Where stories live. Discover now