Ika-walong Kabanata

1K 75 133
                                    

***

Hindi maganda ang gising ko kaninang umaga.

Literal na hindi dahil pagmulat pa lang ng mata ko ay dama ko ang pakiramdam na sobrang pagod at matinding sakit ng ulo. Ang liwanag ng araw na pumapasok sa bintana ng kwarto ay tila napakasakit sa mata na lalo pang nagpapabigat sa pakiramdam ko.

Napansin nga rin ni Cecilia na kasama ko sa kwarto na hindi maganda ang gising ko kaya tinanong nya rin ako kanina kung may masama ba akong nararamdaman.

"Aurora?" natigil lang ang paglipad ng isip ko nang marinig ang boses na iyon na tumawag sa pangalan ko.

Lumingon ako kay Señorita Veronica na syang tumawag sa akin. Nakaupo sya ngayon at may hawak na libro habang ako naman ay nakaupo rin sa lamesang nasa harap nya—nandito ulit kami sa silid aklatan.

Nagbabasa sya habang ako naman ay tahimik lang na pinapaypayan sya. Sinubukan ko rin namang magbasa kanina dahil naiinip akong nakatunganga lang sa harap nya pero walang libro ang nakakuha ng atensyon ko kaya naman mas minabuti kong paypayan na lang sya para kahit paano ay may magawa ako.

Tumikhim ako, "Bakit? May kailangan ka ba, Señorita?" mahinanong tanong ko sa kanya.

"Parang wala ka sa iyong sarili—ayos ka lamang ba?" Tanong nito at bakas ang pag-aalala sa boses nya.

Mabilis naman akong tumango sa kanya, "Oo naman." binigyan ko pa sya ng isang tipid na ngiti para maniwala sya. "May naalala lang ako." paliwanag ko.

Naniningkit ang mga mata nitong tumitig sa akin na para bang sinusuring mabuti kung nagsisinungaling ba ako.

"Ano ba 'yang binabasa mo?" tanong ko sa kanya para mabaling ang atensyon nya.

Ayos lang naman kasi talaga ako—sadyang hindi lang talaga siguro maganda ang gising ko kaninang umaga kaya pakiramdam ko ay sobrang pagod ako at masakit ang aking ulo.

May mga araw naman kasi talagang ganon.

Nakita ko ang saglit na pagkagat nya sa kanyang labi—pansin kong ginagawa nya iyon kapag malalim itong nag-iisip kagaya na lang ngayon.

Pero kapagkuwan ay huminga ito ng malalim bago muling tumitig sa akin, "Romeo and Juliet." balewalang sagot nito.

Napataas naman ang dalawang kilay ko at napatango nang marinig ang sagot nya.

Isa ang libro na iyon sa pinakasikat na akda ni William Shakespeare pero kahit isang beses ay hindi ko pa iyon nababasa.

Sadya kasing hindi talaga ako mahilig magbasa ng libro.

"Sabi nila ay masakit daw ang istorya nilang dalawa." sabi ko.

Kahit naman hindi ko pa iyon nababasa ay alam ko kung ano ang wakas ng istorya nilang dalawa.

Nilason ni Romeo ang kanyang sarili dahil sa pagaakalang patay na si Juliet at nang magising naman ang huli ay kinitil din nito ang sarili gamit ang punyal ni Romeo.

Kung iisipin ay katangahan nilang dalawa ang dahilan kung bakit naging ganon ang wakas ng pag-iibigan nilang dalawa.

Sya naman ang nagtaas ng kilay bago ibalik ang tingin sa libro. Ilang beses nyang nilipat ang pahina ng libro sa pamamagitan ng kanyang daliri.

Isang Daang Tula Para Kay Veronica Where stories live. Discover now