4

106 5 6
                                    


Miyawaki Sakura's POV

____

Kaming apat ngayon ang nasa table since tapos na kumain yung iba. Nagluto pala si Wonyoung ng Deokkbokki, Sangyeopsal at Bibimbap. And It tastes great. Sakto gutom na ako.

"bitte sei meine frau" sabi ni Daehwi. Kaming dalawa ay napanganga dahil sa sinabi niya habang si Seongwoo naman ay nag grin lang.
('Please be my wife' in German)

"Ano daw?" Tanong ni Wonyoung.

"Wala sabi ko ang panget mo" Panukso ni Daehwi. Si Wonyoung siguro namumula na. Namumula na sa sobrang galit.

"bái chī" Yun. Naintindihan ko yun Hahahaha!
('Idiot' in Chinese)

Napatawa nalang ako ng mahina. Now It's their turn para mapanganga.

"Sabi ko nga si Guanlin ang isasama ko" napailing nalang dito si Daehwi at kumain.

___

"Kung sinong dalawang matutukan ng bote ay siyang mag huhugas ng pinggan" Sabi ko. Trinanslate naman ni Daehwi kay Seongwoo yung sinabi ko at nag thumbs up naman si Seongwoo.

Si Wonyoung ang unang nag ikot ng bote at tumutok naman ito kay Seongwoo.

"Noooooooooooo!" Saka siya humiga at nagtutulog tulogan.

Next na nagspin ng bottle ay siya parin ngunit. Tumutok naman ang bote saken.

"Wow step back Ong Seongwoo. Ako manghuhugas kesa naman makasama ko yung kutong lupang to" Pupunta sana si Wonyoung sa kusina nang hablotin siya ni Daehwi.

"Eh?" - Wonyoung

"Yaan mo na. A deal is a deal right?" Nagkatinginan sila ni Seongwoo at Daehwi.

Nagkakaintindihan talaga sila sa tingin lang -,-


"Okay" (A/N: Normal is English uwu)

___


Dinig na dinig namin ang pag aaway ng mga maknaes sa sala habang kami ni Ong Seungwoo ay tahimik lang.

Paano kami mag kakausap kung wala kaming maintindihan sa mga sinasabi namin?

Habang nasa kalagitnaan kami ng pag babanlaw ay nagkakailangan kami na halos di kami makatingin sa isa't isa.

Hanggang sa di ko namalayan na isang baso na pala ang natira at pareho naming nahawakan yun. 



"Ah sige lang Sakura-ssi. Ako na dito"

Ano raw?

"Ako na dito. Dun kana sa sala"


Nanliit din mga mata niya. Mukhang di niya naintindihan mga sinabi ko.

Kaya nakaisip siya ng paraan.

"Ako" tinuro nito ang sarili "hugas" kunwari nag action siya na naghuhugas siya "nito" tsaka tinuro niya yung baso.

"Ahh" napatango na lamang ako dahil at last naintindihan ko siya

"Saranghae" Nag bow na rin ako. Teka, Thank You ba yun?

"Ha?" Patay malisya din tong isa eh

Feel ko nagkamali ako. Aish. Nag sign language nalang ako na "Thank You"

Napatango na rin siya at nag thumbs up. Kaya naghugas ako ng kamay at pumuntang sala kung saan walang tigil sa pag aaway ang dalawa.

"Tapos na Unnie?" Tanong ni Wonyoung

"Andun pa si Seongwoo" tumabi na lamang ako sa kanila. Third wheel na kung third wheel pero masakit paa ko.

At may naalala ako.

"Ah Teacher Daehwi, ano pala meaning ng Saranghae?" Tanong ko dito.

"Yung laging sinasabi ni Wonyoung saken bakit?" Ano nga ba laging sinasabi ni  Wonyoung sa kanya?

"Putangina to kelan pa ako nag I Love You sayo?" Binatukan naman ni Wonyoung si Daehwi.

"Soon Baby, Soon" Alam kong mahina lang yun pero dinig ko. Pero di ko parin maintindihan.

"Saku-chan. Saranghae means 'I Love You' wae?" Explain ni Tangkad.

Bigla naman akong nang init sa kakahiyaan.

SINABIHAN KO NG I LOVE YOU ANG TAONG DI KO KILALA!

Hala hala hala. Eotteoke?!

Language Barrier || Ong Seongwoo × Miyawaki SakuraWhere stories live. Discover now