Chapter Nine

18.8K 418 42
                                    

Dedicated to @AileenAtienza and @mgracee. Hindi ako makapag-update kapag weekends. Hihi

*** 

The Perfect Subject by LittleRedYasha

Chapter Nine

"The only and the last time Hannah talked to you, you refused to accept our case, hindi ba? I'm so glad you had a change of heart, LA," sabi ni Tita Thesa.

Pagkatapos na lang ng dinner kami nag-usap. Nasa balkonahe kami ng bahay at naghanda si Tita ng kape.

"Yes, Miss De Vera but on the other hand, kailangan na kailangan ninyo ang tulong ko at hindi ko maipagkakait sa inyo 'yon,"

"Kaya naman thankful ako dahil du'n. So, ano ba ang dapat mangyari bago kami pormal na makapagsampa ng kaso laban kay Sylvia?"

"First of all, sino ba ang magiging kliyente ko dito? Probably ikaw 'yon Miss De Vera,"

"Wait, ako? Hindi si Hannah?"

"Yes. Because hindi tama na magkaroon ng personal na ugnayan ang abogado at ang kliyente niya,"

"What do you mean?"

Oo nga. Pati ako naguluhan. Ano'ng personal na ugnayan?

Tapos nagulat na lang ako nang biglang hinawakan ni Luis Alfred ang kamay ko.

"You see, girlfriend ko na po si Hannah,"

Nanlaki ang mga mata ko at punong-puno ng pagtatanong nang tumingin ako sa kanya.

What is he talking about?

Then he squeezed my hand as if reminding me that we just had a deal.

"Why don't you tell her about us, Hannah?" panghihimok pa niya.

"A-ahm," napalunok ako."Totoo po 'yon, Tita," sabi ko pero hindi ako makatingin nang diretso kay Tita Thesa.

"Oh, really? Wow, I can't believe it! Kailan pa, Hannah? Like paanong nangyari 'yon?"

"She already had me that night sa exhibit ni Travis, Miss De Vera. Na-realize ko lang 'yon nang muli kaming magkita. At ayon, hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon,"

He was smiling habang nagkukwento like he really meant it. Ano ba talaga siya, abogado o artista?

"I didn't know na may romantic side ka din pala, LA. Kaya naman pala gusto mo kaming tulungan. Thank you so much. Please take care of Hannah, she's a one lucky catch," nakangiti si Tita Thesa nang tingnan niya ako.

Pinilit kong ngumiti.

Ano ba naman itong napasukan ko?

"Makakaasa ka, Miss De Vera," sabi naman ni LA at hinalikan ang likod ng palad ko.

Nakaka-ground ang pagdantay ng mga labi niya sa balat ko. How much more kung sa mga labi ko na mismo?

Argh, Hannah! Ano ba 'yang iniisip mo?

"So dapat pala tawagin mo na rin akong Tita kapag sa labas ng kaso, hijo?"

"Why not, Tita?"

"Oh, you two looked so good together!"

Bakit ba paniwalang-paniwala si Tita sa pinagsasabi ng isang 'to?

Sa isang gabi lang, nagkaroon ako ng boyfriend na hindi ko naman kilala. Ang gulo.

"H-hindi pa ba natin pag-uusapan ang tungkol sa pagsasampa ng kaso?" sabi ko para maiba naman ang usapan.

*** 

Matapos nang masinsinang pag-uusap ay nagpaalam na rin si Luis Alfred dahil lumalalim na ang gabi. Hinatid ko siya sa gate.

"Maraming salamat ulit, Attorney. Mag-iingat ka sa daan,"

"Masanay ka nang tawagin ako sa pangalan ko, Hannah. I'm your boyfriend now, right?"

"Pero hanggang kailan?"

"Hannah, kakasimula pa lang natin tinatanong mo na kung hanggang kailan tayo tatagal?" amused na sabi niya.

"Attorney, pareho naman nating alam na pumayag ako sa kondisyon mo para tulungan kami,"

"Kaya nga kapag sinabi kong tawagin mo 'ko sa pangalan ko, susundin mo,"

"Hindi ko alam na manipulative ka din pala," sabi ko at pinagkrus ang mga braso ko.

"I am not. You submitted yourself, you have no choice. And please, unang araw pa lang natin mag-aaway na agad tayo? And besides, hindi naman talaga tayo. Front lang natin 'yon para hindi maghinala ng kung ano ang Tita mo. Nakukuha mo ba ang punto ko?"

Napamaang ako. This guy is impossible!

"Kailangan mo nang umuwi, Luis Alfred,"

"Good night, Hannah,"

Nagulat ako nang bigla niya 'kong hapitin sa beywang at dampian nang mabilis na halik ang mga labi ko.

"Call you," sabi pa niya bago tuluyang sumakay ng kotse niya.

Hindi ako nakapagsalita dahil na-distract ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. That was my first kiss!

Pag-alis ng sasakyan niya ay bumalik na rin ako sa loob. Gagawin ko lahat ng gusto niya para lang tulungan kami. Nagsisimula pa lang kami. Marami pang mangyayari.

At oo na, attracted na ako sa kanya.

*** 

<Luis Alfred>

"Where have you been and why weren't you answering my calls?" salubong sa akin ni Mom nang dumating na din ako sa bahay.

"I apologize, Mom. Naka-silent ang phone ko. I had dinner with my girlfriend and her family," I answered casually.

Nanlaki ang mga mata niya in disbelief.

"Girlfriend? Out of the blue, nagkaroon ka ng girlfriend? You got to be kidding me, son!"

"Akala ko ba gusto niyo na 'kong magka-girlfriend? Ngayon namang meron na ayaw niyo namang maniwala,"

"Hindi naman sa ganun, hijo. Pero hindi ka man lang nagkukwento na may napupusuan ka nang babae? Oh, I'm offended,"

"Don't be, Mom," inakbayan ko siya."Siguro masyado lang naging mabilis ang mga pangyayari. But I'll introduce you to her one of these days. You'll like her. She's one extraordinary woman. Parang ikaw,"

"What's her name and where did you meet her? I suddenly became curious of this girl,"

"Her name's Hannah, Mom. Na-meet ko siya sa exhibit ni Travis. She was intently looking at the painting na binili ko para sa'yo when she caught my eye. She is a college instructor and she's indeed attractive," I told her, meaning all those words.

"Do you love her, LA? I hope hindi ka katulad ng mga lalaki diyan na naggu-girlfriend lang just for fun,"

"I love her as much as I love you. Satisfied?"

"Very,"

*** 

Your votes and comments, please! Hmmmwaahh!

-LittleRedYasha

The Perfect Subject (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now