Chap.27 POSSIBILITIES

61 5 2
                                    

⚠️ PLAGIARISM IS A CRIME ⚠️
IF ANYONE COPY MY STORIES AND POST IT TO ANY KIND OF SOCIAL MEDIA, YOU'LL FACE DIFFERENT CONSEQUENCES. THANK YOU!!

SUMMER'S POV:

Dinala ako ni Ate Jynne sa mansion nila dahil uuwi si Grandma ana ngayon, sa gate palang kanina ay manghang mangha na ako. Pero mas na mangha ako nung nakita ko kung gaano kalaki ang Mansion, parang nasa ibang bansa ka dahil sa design nito, yung tipong Palasyo na may naninirahang Hari at Reyna.

Iginala ko ang mata ko nung nakapasok na kami and my jaw dropped when i saw those chandelier mas Mahal pa to sa buhay ko eh. The theme color of this house are Silver and Gold. Nakakatakot kumilos cause anytime baka makabasag ako. Huhu.

I guess they saw my reaction kaya tinawanan nila akong tatlo . Napa pout nalang ako. Madami ding maids dito at sa bawat lingon ko ay may mga security na nakabantay, ang ipinagtataka ko lang ay yung mga suot nila mas mahal pa yata sa suot ko ngayon.

If you look at them di mo matawag na katulong or Security/Bodyguards lang sila. Maybe if  I am a emoticon may malaking question mark sa ulo ko.
Gusto kong magtanong kay Ate Jynne, mukhang di ko pa nga talaga siya/sila kilala ng lubusan.

Pinakilala din Nila ako sa mga tao dito, nahihiya pa ako eh dahil yumuko sila na para bang isa akong kagalang galang na tao. Nag bow din ako sa kanila at ngumiti.. after that ay dinala ako ni Ate Melissa sa room ko daw. Nagdadalawang isip pa nga ako kung papasok ba ako or hindi..

May kalakihan din ang silid nato. Mas malaki pa ito sa tinitirhan namin ni Lola Helen eh. May sariling banyo at shower, may mini ref din. Malaki ang kama at yung lalagyan ng damit ay malaki din at kung ilalagay ko lahat ng damit ko malaki pa ang ispasyong matitira..

Umupo nalang muna ako sa kama at iniisip kung panaginip lang ba to. Di naman sa OA yung reaction ko alam kong isang gabi lang ako dito hehe. Sa pag muni muni ko ay may kumatok sa pinto tumayo ako at binuksan ito.

"Young Lady Summer, iniutos sakin ni Prin--- ibig kong sabihin Ms. Priyam na pababain ka dahil pupunta kayo sa airport para sunduin ang Mahal na Rey-- ibig kong sabihin Madam Ana." The maid told me while stuttering. Eh?? Ano daw??  Okay lang ba to? Hahaha

"Okay, paki sabi magbibihid nalang muna ako at bababa na. Pwedi bang Summer nalang itawag mo sakin ." Sabi ko nahihiya ako sa tawag niya sakin eh parang di bagay, tumango naman ito at nag bow bago umalis.

Isinara ko ang pinto bago pumasok da banyo upang mag shower ..

*

*

*

JYNNE'S POV:

Nandito ako sa sala at kausap ko sina Ate Melissa, Jade at Nicholas, nakita kong bumaba ang inutosan ko para tawagin si Summer.

"Ms. Priyam magbibihis daw muna si Ms. Summer at bababa na siya pagkatapos." Saad nito i just wave my hand indicates for her to leave.

Napalalim yata ang isip ko para makalimutan na nandito pa ang mga kaibigan ko, tinapik ni Ate Melissa yung balikat ko para maibalik ako sa reyalidad at nilingon ko naman siya.

"Why ate issa?" I ask her

"Tatlong beses kitang tinawag Baby, pero di ka man lang nakikinig, may problema ba? Ang lalim ng iniisip mo eh, tapos naka kunot pa yang noo mo." Sabi nito, nilingon ko naman si Jade at Nics. They just nod their heads for me to know na tama ang sinabi ni Ate Issa.

"Nothing ate, may bumabagabag lang sa isip ko, im sorry." Sagot ko sa kanya

"Ano ba yan? You can talk to us." Saad naman niya and i just sigh.

MIRROR (My Reflection Is You)Where stories live. Discover now