(Draft)

17 1 0
                                    


Sa isang maliit na bahay nakatira ang mag-inang sila nanay mari at shanna. Dalawa na lamang silang natira pagkatapos mangyari ang aksidente sa siyudad na nag uwi sa pagkamatay ng tatay at mga kapatid ni shanna. Sa aksidenteng iyon ay nag uwi rin ng pagkakaroon ni shanna ng sakit sa pag iisip. Natutulala nalamang siya at minsan ay sinisigawan ang mga taong nakikita niya. Sabi ng doctor ay maaring natrauma ang bata sa aksidenteng nangyari. Dahil rito ay napagtantunan ni nanay mari na tumira na lamang sila sa bukid kung saan ay kakaunti lang ang nakakasalamuha nilang tao para rin hindi mahirapan ang kaniyang anak. Pa ulit ulit na sinasabi ni nanay mari na nagawa niya lamang na lumipat sa liblib na lugar para sa kapakanan ng anak ngunit sa kinaibuturan ng loob niya ay ayaw niya lamang na mapahiya ang sarili tuwing sumisigaw ang anak at gumagawa ng kahihiyan sa sarili.


S

a bukid nagtatrabaho si nanay mari at pinapaaral niya naman si shanna sa eskwelahan na malapit sa kanilang bahay. Ngunit laging umuuwing luhaan si shanna dahil kinakanstawan ito ng mga kaklase. Isinusumbong ni shanna na sinasabunutan siya ng mga kaklase at pinagtatawanan dahil sa kakaiba niyang mga galawan. Wala namang ginawa si nanay mari kundi sabihan ang anak na tiisin muna ang pagsubok na dinaraanan hanggang sa tuluyan na siyang gumaling.

Buwan ang lumipas at patuloy na luha ang nakikita ni nanay mari sa kaniyang anak tuwing umuuwi, minsan ngay pinagalitan ito dahil sa ingay ng hagulgol ng anak bago matulog. Hindi nagtagal ay pati si nanay mari ay inaaway narin ang anak at lagi itong pinapalo. Patuloy ang ganitong buhay ni shanna na para bang sinumpa na siyang di kailanmang  makararanas ng kasiyahan. Sa bigat ng dibdib ay minsa'y naiisipan niyang kunin ang kaniyang sariling buhay ngunit itinakwil niya ang pag-iisip na ito dahil nagalit ang kanyang nanay.

Naguguluhan at nahihirapan si shanna sa mga nangyayari sa buhay niya dahil hindi lang may kakaiba siyang sakit kundi pinapalala ito ng mga taong nakakasalamuha niya pati narin ang sarili niyang ina.

Halos gabi gabing umiiyak si shanna sa di maintindihang sakit na nadarama niya sa kaniyang dibdib. Hindi niya ito makita di tulad ng mga pasang ipinalo sakanya ng ina ngunit mas masakit pa ito roon. Ang hindi niya alam ay may nakakaalam ng kaniyang kahirapan.

Isang gabi sa paguwi ni shanna ay may nakasalubungan siyang lasing. Balak na sana nitong hawakan si shanna nang napatigil ito at nanlaki ang mga mata sabay parang binuhusan ito ng malamig na tubig at nawala ang pagkalasing dahil dali dali itong tumakbo papalayo. Nagbuntong hininga si shanna at lumingon kung sino ang nagmagandang loob na tumulong sakanya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang nakita niya ang nakapalaking tao? Hayop? Kakaibang nilalang? Hindi naintindihan ni shanna ang kaniyang nakita. Matangkad ito at malaki, kita niya rin ang napakatatalas na mga ngipin nito at kuko. Nanlalamig ang katawan niya. "kapre? " tanong niya sa kanyang sarili. Para bang gumaling ang sakit sa kanyang pagiisip at tumuwid ang kanyang pagkakasalita.

"sino ka? Ano ka? " tanong nito sa kapre.

Tumawa lamang ang Kapre ng napakalakas  na imbes ikagulat at ikatakot ni shanna ay mabilis na pagtibok ng puso ang kaniyang naramdaman. Hindi ito takot, parang may unting saya at kilig ang kaniyang nararamdaman. Hindi alam ang gagawin ay ngumiti na lamang si shanna sa nakatatakot na nilalang na nakaupo sa malaking puno sa harap ng bahay .

"maraming salamat po sa pagtaboy ng lasing kanina ano nga hong panga- "

"shanna! Anong ginagawa mo diyan sa harap ng punong yan? " sigaw ng ina ni shanna, at kaniya namn itong nilingon. Pag ikot ulit ng ulo niya sa malaking puno ay wala na ang kapre. Nagtaka si shanna kong ang lahat ng nangyari ay guniguni niya lamang.

"Ina! may tumulong saaking kakaibang nilalang sa malaking punong iyon. Ipinagtaboy niya ang lasing na nakasalubungan ko papauwi". Sambit ni shanna sa kaniyang ina. Ngumingiti ito at para bang hinihingal sa pagtakbo sa sobrang pagkasabik niya sa nakita. Bago na lamang nakita ni Nanay Mari na masaya ang anak pagkatapos mang yari ang insedenteng iyon. Papaniwalaan na sana ni nanay mari ang anak nang sinabi ng anak ang "kakaibang nilalang"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kapre sa harap ng bahay (draft)Where stories live. Discover now