CHAPTER 31

365 10 1
                                    

Noong kinaumagahan ay wala akong nagawa ng ayain ako ni Elias pabalik sa kompanya ni Xavier. Napaka siraulo ng isang 'to, hindi ko alam kung anong gagawin namin do'n.

“Nasa office po si boss, Sir.”saad ni Aera habang nakatingin kay Elias.

Ang palusot nitong kasama ko ay titignan niya raw ang area. Ang area ba o si Aera? Tanginang palusot 'yan hindi katanggap-tanggap.

Pumasok kami sa office ni Xavier kasama si Aera at nandoon ang lalaki na nagtatrabaho.

“Sir, they wanted to see–”hindi pa natapos magsalita si Aera ng sumabat ito.

“Show them the area, Aera. Susunod ako, I'll just finished this one.”sabi ni Xavier na ikinatango ng babae.

“This way po, Sir.”saad ni Aera.

Nakasunod lang kami sakan'ya hanggang makarating kami sa practice area. Dito yata nag o-ojt ang mga estudyante ng MU.

Maraming college students ang nandoon. Sa field siguro sila ng mass communication na kurso. Mabuti at meron na nito. Sa France kasi ako nag ojt kaya hindi ako maka relate.

Pinapanood ko lang sila habang may tinitipa sa kanya-kanya nilang monitor. I saw how passionate they were, and it melted a part of me. Nakikita ko ang sarili ko noong nagsisimula palang ako kaya napangiti ako.

“Deja vu?”saad ni Elias na nasa tabi ko na pala.

“I'm seeing myself right now.”sabi ko habang nakatingin sa mga estudyante.

“I'm sure the younger version of yourself is very proud right now.”sabi niya kaya napatingin ako sakan'ya.

“You think?”tanong ko at ngumiti sakan'ya. Tumango siya at nginitian din ako.

Muli kaming tumingin sa unahan at kitang-kita ko si Aera na nakatingin sa pwesto namin. She look hurt. Oh no! I think she got the wrong idea. Nakita niyang nakatingin ako sakan'ya kaya tipid lang siyang ngumiti.

Makaraan ang ilang minuto ay sumunod si Xavier doon. Agad dumapo ang mata niya sa pwesto ko kaya nag-iwas ako ng tingin.

“I need to pee, babalik ako.”sabi ni Elias kaya tumango ako.

Umalis siya kaya naiwan akong nakatayo roon. Agad akong napatingin sa gilid ko ng makitang nakatayo na roon si Xavier.

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang na tumingin sa mga estudyante.

“Is he a good boyfriend?”biglang
tanong niya kaya nagtataka ko siyang tinignan.

“Asking me some questions is not part of your business, Mr. Morgan.”sabi ko at iniwas ang tingin sakaniya.

“Mr. Morgan?”he repeated and let out a chuckled. Anong nakakatawa?

Agad din siyang napalayo sa'kin ng bumalik si Elias. I was caught off guard when he suddenly wrapped his arm on my waist. Gago ano nanaman ba 'tong pinanggagawa niya. Para na tuloy siyang nakayakap sa likuran ko.

“Your ex looks jealous.”bulong niya kaya napatingin ako kay Xavier.

He was eyeing us. If looks can kill, I'm sure Elias and I were already dead. Ang sama ng tingin niya habang nilalaro niya ang ibabang labi.

“And Aera looks hurt.”sabi ko kaya napatingin siya sa babae.

Ang mga malungkot nitong mata ay agad na umiwas ng tingin. Umalis ito sa pwesto niya at hindi ko alam kung saan siya pupunta.

“Paano ka niya babalikan kung sinasaktan mo siya?”sabi ko kay Elias.

“I can't still. Stop jumping into conclusions. Madali lang sakan'yang iwan ako noon, hayaan mo siyang mabaliw para hindi niya na'ko iwan ulit.”sabi niya kaya ngumiwi ako. Hindi ka sana balikan, hinayupak ka!

Agreement With The Bad Boy (MORGAN SERIES 1)Where stories live. Discover now