aking pangarap

73 3 0
                                    

          Musmos pa lamang tila'y danas ko na ang kahirapan, yung tipong 'di ka mabilihan ni Nanay ng laruan kahit bente pesos lang ito kasi mas kaylangan niyo ang pera para sa pagkain.  Pansin ko 'bat ibang bata nakakapaglaro ng masaya?, ako kasi bagamat nakakalaro man sa labas ngutin pagpasok ko palang sa pintuan tila ay nawala ang saya na nararamdaman ko dahil sa bigat ng problema na kinakaharap ng pamilya ko. Kahit bata palang ako tila'y pansin ko 'bat hindi ko naranasan ang mga ganitong bagay ngunit kahit papaano kuntento na rin ako sa anong meron kaming mag pamilya. Bagamat alam kong mahirap lang kami ngunit sa musmus kong gulang pinagsumikapan ko na pagbutihin ang aking pag-aaral para kahit papaano may ipagmalaki naman ang pamilya ko at maging masaya rin sila na sulit ang pagsisikap nilang pag-aralin ako.
Ay teka, baka hindi na naman ata ako mabibilihan ni Mama. Pero bahala na wala naman atang masama sigurong magtanong. "Mama, maari mo po bang bilihan ako ng damit kahit mumurahin lang po para po may bagong damit po ako sa pasko?". Sagot ng ina sa tanong ng anak, "Nak, tignan natin ahh, hindi mangangako si Mama baka kasi kulang tayo sa pera alam mo naman kahit handa tuwing pasko wala tayo eh".  "Ok lang po ma, kahit 'wag mo na po pala ako bilihan". "Unahin mo muna po ang kailangan natin sa bahay mama, salamat po at pasensya na po sa abala". Sagot nito sa kanyang Nanay. Nako sabi na eh, siguro hindi nalang sana ako nag tanong. Haysttt....
Malapit na pala ang pasko, kaya pala makita ko mga bata sa amin nagsisibilihan na ng mga bagong damit. Nagsabi ako kay Mama ngunit mukhang hindi nanaman ako mabibilihan kasi kulang na naman ang kita ni Mama sa bangketa. Hindi naman masama ang loob ko kay Mama kasi alam ko ang sitwasyon ng buhay namin, bagkus mas lalo akong determinadong magsikap sa pag-aaral upang mabili ko ang gusto ko at gusto nila mama.
       
Malaki ang pangarap ko, kahit mahirap man kami ngunit hindi yun makakapigil sa pangarap kong maging tanyag na "Accountant" sa bansang Amerika at balak ko rin dun magtapos ng kolehiyo, alam kong mukhang imposible dahil sa hirap ng buhay namin ngunit hahanap ako ng paraan upang matupad ko iyon. Nakuha ako ng lakas ng loob upang magsipag sa buhay sa pamamagitan ng mga komiks at sa pelikula na nakikita ko sa telebisyon na mayaman na babae na nabibili nila ang gusto nila saan man at kailanman nila gusto, ngunit kaya gusto ko rin yumaman ng sobra dahil kila Mama at Papa, hindi kasi sila nakapagtapos ng pag-aaral pareho tas hindi sana kami maghihirap ng husto kung hindi naaksidente si Papa at nawalan ng trabaho noong sanggol pa lamang ako. Dahil sa nangyari, si Mama na ang nagtra-trabaho upang kumita at may pangkain kami sa araw-araw. Naaawa nalang ako kay Mama kasi wala pa talaga akong maitulong, kung 'di magsikap lang sa pag-aaral.
Simula elementarya sinikap kong makasama sa mga may parangal at 'di ko maisip na kay bilis ng panahon, maraming problema na rin ang kinaharap at lumipas. Labing-pitong taong gulang na ako ngayon. Malapit na ako mag kolehiyo at naghihintay nalang ako ng aking Scholarship Entrance Exam.
"Mama kabado na po ako sa nalalapit na Entrance Exam, sa palagay ko po hindi po ata ako makakapasa". Nangangambang sabi ni Helen sa kanyang Nanay. "Nako nak, alam kong isa ka sa makakapasok sa Entrance Exam. Ikaw pa, nagsusunog ka na nga ng kilay kakareview mo dyan upang pumasa e". Pampatanggal kaba na wika ng Ina. "Baka nga po Mama may pag-asa ako, salamat po mama sa papalakas ng loob ko po". Wika nito sa Ina.
Dalawang linggo nalang. Sa palagay ko handa na ako sa nalalapit na Scholarship Entrance Exam. Hindi ko rin maiisip hanggang dito na pala ako nakaratingin. Ang bilis talaga ng pahanoh noh?, tila ay parang isang musmos na bata palang ako ng nakaraan at ngayon malapit ko ng makuha ang pinakaaasam kong pangarap.
"Mama bukas na po ang Entrance Exam ko po" wika nito sa ina. "Nak, basta galingan mo ah, ano mang mangyari dapat makapunta at maipasa mo ang Entrance Exam mo." Sagot ng naman ng ina sa anak. Papasok na sana ng kwarto ang ina ng biglang natumba ito. Nagulat si Helena sa pangyayari. Sa sobrang taranta, lumabas siya ng bahay ng walang suot na tsinelas upang humingi ng tulong sa mga kapitbahay.
Malapit na sila sa Ospital ng biglang nagsalita ang ina at may binulong ito kay Helena bago ipasok sa Emergency Room. Napaiyak na lang si Helena sa nangyari at determinadong makakapasok sa Scholarship Entrance Exam.
Nagulat ako ng biglang kailangan isugod si Mama sa Ospital. Hindi ko namalayan alas-dose na ng madaling araw at nakaupo akong nakatulog sa gilid ng higaan ni Mama sa Ospital. Sa mabuting palad, nakulangan lang si Mama sa tulog at pagod, dahil nga sa simula umaga hanggang gabi nyang pagtitinda sa bangketa. Tumayo ako sa kinauupuan ko at naghanap ng Nurse. "Ahm miss, maari po bang pakibantayan ang pasyente sa room 304 na si Lena Vergara po." Pakiusap nito sa nurse na nakatoka sa night shift. "At kung maaari po, paggising po ng pasyente pasabi po na umalis na po ako at babalik, salamat po!" pahabol nitong sabi. "Ay sige po maam, masusunod po" wika ng Nurse kay Helena.
"Helena Vergara." Wika ng tao sa mikropono. Tumayo nako at nag-ayos ng mga papeles na dapat sagutin bago ang pagsusulit. Kinakabahan ako at masaya, dahil malapit ko ng maabot ang pangarap ko. Ngunit nag-aalala ako kay Mama, baka hindi pa siya nakakakain o kaya baka hinahanap niya ako. "Maaari na pong pumasok ang at umpisahan ang pagsusulit," wika uli ng tao sa mikropono.
Natapos na ang pagsusulit, humaripas ako papunta kay Mama sa bahay kasi pwede na daw siyang lumabas. Pasalamat ko nalang sa poong maykapal, dahil may naipon akong pera at ayun ang naimpambayad ko sa Ospital. "Ma, ok ka na po ba?" pag-aalalang wika ni Helena sa ina. "Oo nak, salamat pala ah at nakakaistorbo pa sayo si Mama at nag-alala ka pa sakin-". Pagputol na sagot ni Helena sa ina, "Nako ma ito naman, wala yan sa akin, bagkus dapat po ako ang magpasalamat sayo dahil mas naging determinado po akong sumagot sa pagsusulit". "Nak, basta pasensya na at alam ko na makakapasa ka at matutupad mo ang iyong pangarap" wika ng ina sa anak.
Isang linggo na rin ang nakalipas ng maospital at ang Entrance Exam. Kabado na ako sa resulata na tila ba sa palagay ko maliit lang ang tyansang makakapasok ako, dahil pansin ko ang rami ring kumuha ng pagsusulit at baka mas matalino pa kesa sa akin. Ilang oras na lang at aanunsyo na kung sino ang nakapasa at mga napiling makakapasok sa scholarship.
Alas-kwatro na ng hapon at aanunsyo na ang mga makakapasok. "Ma, ayan na po inilabas na ang mga makakapasok." Wika ni Helena sa ina. Kabadong hinahanap ni Helena ang kanyang pangalan sa listahan. "Nak, ayan pangalan mo oh," pasigaw na sabi ng ina sa tuwa. Napaiyak si Helena at nagtalon talon sa kanilang bahay. Niyakap nito ang ina at nagpasalamat sa lahat ng ginawa nito para sa kanya.
Ilang taon na ang nakalipas ng magsimulang pumasok ang magandang kapalaran sa buhay nila Helena. Nakapagtapos siya sa isang tanyag na kolehiyo sa bansang Amerika at siya ay nakapagtapos bilang Summa cum laude. Dahil sa pagsisikap ni Helena na makapagtapos bilang Summa cum laude, hindi na siya nahihirapan maghanap ng trabaho sa Amerika at dahil din sa tagal nitong nanirahan doon, naging residente na siya at nakuha niya na ang pamilya niya sa Pilipinas papuntang Amerika.
O kay sarap ng makapagtapos. Hindi hadlang ang kahirapan kung mas malaki roon ang iyong pangarap. Ang laki ng narating ni Helena sa buhay. Sa pagsisikap niya na huwag sumuko sa buhay, naabot niya ang ikinaaasam niyang pangarap sa buhay.

Wakas.

PangarapWhere stories live. Discover now