CHAPTER 01

72 9 5
                                    

Avriel's POV

“HOI T*NGINAMO BUMALIK KA RITO!”

Napangiwi ako ng marinig ko ang boses ng matabang landlady ng inuupahan kong apartment.

“tang*na Avriela takbo” bulong ko sa sarili saka tumakbo, hawak ko ang isang malaking bag na naglalaman ng mga damit ko. Kahit ay nahihirapan sa dala ay mabilis akong nakatakbo, mahirap na baka maabutan ako ni taba.

Lumiko ako sa isang makipot na pasilyo at roon ay dahan dahang naglakad, napangiwi pa ako ng masinghap ko ang mapahanghing amoy ng daanan.

“tngna talaga, mga batang hamog at tambay sa kanto, ginawa naman nilang Cr tong daanan.” ngiwi kong saad at tinakpan ang ilong ko.

“hoy Avri! aalis ka? at san ka punta?” tanong nung tambay na nadaanan ko sa may tindahan.

“Wala kang paki alam roon, Bitoy!” mataray kong sagot at nagpatuloy sa paglalakad, mga tao talaga rito mausisa masyado, ayoko pa naman nun. Mas gusto kong tahimik at hindi mausisa.

“ang sungit mo talaga!” rinig ko pang sigaw nito.

“ang bansot mo talaga!” balik kong sigaw rito at tumalikod na.

Ilang minuto pa ang binagtas kong daan hanggang sa makalabas ako sa pasilyong iyon at bumungad sa akin ang kalsada.

Napahinga ako ng malalim saka ibinaba ang bag ko, pumikit ako saka inilibot ang paningin. Wala masyadong tao, maaga pa naman sa tingin ko ay mag aalas syete pa lang.

“saan ako ngayon pupunta?” mahinang tanong ko sa sarili.

Bumuntong hininga ako, umalis ako sa apartment na inuupahan ko.  Hindi ko na kayang bumayad pa sa renta, kingna ang mahal naman kasi.

Kaya nga tinatawag ako nung matabang landlady na 'yun ay dahil hindi ako nakabayad sa renta at balak kong tumakas kaso ay nakita n'ya ako malas nya lang ay hindi nya ako mahabol, taba kasi e.

Pa ano ba naman kasi ang mahal mahal ng renta, 2,200 pesos ang renta buwan buwan e ang liit liit nga lang naman ng apartment na yun e! Buti nga ay natiis ko pa dun.

Suminghal ako “ha! nagbabayad naman ako nung una, ito lang naman huli ang hindi ko nabayaran, okay na'yun.” naiinis na saad ko.

Tuloy ay lumakad ako sa kalsada buhat ang bag ko, sinipa sipa ko ba ang mga batong dinaraanan ko.

“kailangan kong makahanap ng malilipatan, kailangan ko rin ng trabaho, hindi ako tatagal nito pag wala akong mapagkakakitaan.” mahinang saad ko sa sarili. Natanggal ako sa trabaho bilang janitress sa isang paaralan kahapon, may nasapak kasi akong estudyante kasi naman ang bastos, well bastos naman din ako pero ayoko talaga sa babaeng iyun kahapon, nakitang naglilinis ako lagyan ba naman ng putik ang daan? Ayan na uppercut ko tuloy.

“INENG ayos naman na siguro sa'yo ang apartment na ito?” tanong sa akin ng matandang babae na nagmamay ari ng uupahan kong bahay.

Inilibot ko ang tingin ko sa bahay, ayos na ito, hindi naman ito maliit at sakto sa akin, makakahinga ako ng maayos. May kusina, may dalawang kwarto, may banyo, at may sala, mayroon na rin namang mga gamit kaya ayos na ayos ako dito.

Humarap ako sa matanda at tipid na tumango.

“ayos na ho ito, mag isa lang naman ako at maganda ang bahay.” mahinang saad ko.

“kung ganon ay maari ka nang manatili dito, ang renta ay 1,900 sa isang buwan, ayos na iyun siguro dahil ako din naman ang gagastos sa mga appliances na narito.” nakingiting saad nito.

Napa iwas ako ng tingin, naalala ko ang ngiting iyun sa nag alaga sa akin sa kumbento, napabuntong hininga ako, ‘huwag mong alalahanin iyun Avriela!’

Ibinaba ko ang bag na hawak ko at sinilip ang shoulder bag na dala ko sa kabilang braso, nilabas ko roon ang wallet ko, napangiwi ako ng bilangin ko ang pera. Isa, dalawa, tatlo, apat, 4,200 na lang pala ang pera ko, kailangan ko ng makahanap ng trabaho.

Iniabot ko ang pera sa matanda “eto Lola, unang buwang bayad ko ho ito.” mahinang saad ko.

“osige Ineng, aalis na ko.” iyun ang huling isinaad ng matanda sa akin.

Inilibot ko ulit ang paningin sa buong lugar saka pinuntahan ang isang kwarto, iyung malaki laki ng kaunti sa ibang kwarto. Pumasok ako roon at inilabas lahat ng damit ko.

11:30 AM, gutom na ako ngunit wala akong oras na isipin iyun, pinagpatuloy ko lang ang paglabas ng mga damit at gamit ko sa bag at inilagay iyun lahat sa kama.

Mabuti nalang talaga at nadaanan ko ang bahay na ito at saktong may naka lagay na paupahan itong bahay, hindi na ako nahirapan pa.

Inilabas ko na lahat ng damit ko at sa pinakahulihang bahagi ng bag ay naroon ang isang picture frame.

Nangingig ang kamay na inilabas ko iyun at tiningnan, hinaplos ko ang litrato at naluluhang tumingin na nasa larawan.

“I miss you.” mahinang bulong ko.

“my baby...” naluluhang saad ko habang nakatingin sa sanggol na nasa litrato, ang napaka gwapong sanggol... ang anak ko....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Night Mistake (ON-GOING)Where stories live. Discover now